<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\0757294114\46blogName\75Captain\47s+Log\46publishMode\75PUBLISH_MODE_HOSTED\46navbarType\75BLACK\46layoutType\75CLASSIC\46searchRoot\75http://jepoy.bengero.com/search\46blogLocale\75en_US\46v\0752\46homepageUrl\75http://jepoy.bengero.com/\46vt\75-5041441038811922973', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Captain's Log
Captain's Log
Subscribe to my feed, Captain's Log Enter your email address:

Freshmen Day 2004
Friday, July 23, 2004

Captain's Log STARDATE -319559.86

Wow. Only 2 days, but ang daming nangyari. Last wednesday, pumunta kami nila Karlo and Andrew sa office ng Level Up! Games para invite sila sa Freshmen Day ng AMACU. AMA microsystems kasi ang isa sa major sponsor, with the help of Level Up! of course, ng Freshmen Day kasi we donated a total of P15,000 worth of cash and prizes. BONGGA NO? Hehehe. Nung nasa Level Up! office kami, Andrew got the privilege to talk to the Community Manager of Level Up! na si Mr. Paul Mendoza, aka battlechaser. Syempre tuwang tuwa naman tong si Siopao Master kasi nakamayan nya si battlechaser. Hehehe. Huwag kang aangal Andrew.

May good news din pala ang Level Up! sa akin. Pero tsaka ko na lang sasabihin baka kasi maudlot eh. Hehehe. Let's just say, AMA microsystems will give AMACU a big bang this coming Foundation Week.

Yesterday naman yung Freshmen Day. May mga ginawang activities bawat block section ng mga freshmen. May sumayaw, may kumanta, may tumugtog, may nagdrama. Basta masaya. May mga games din. One category ang talagang pinilit naming (AMA microsystems) manalo, yung most number of new members na marerecruit ng organization. As usual, AMA microsystems ang nanalo. Kahit ano pa sabihin ng iba, KAMI PANALO. :D 75 new members ang narecruit namin that day, compared sa 25 ng UTAK (2nd place) and sa 7 ng PHiCES. Kailangan pa bang i-memorize yan?

Nakakapagod pero masaya. Cant wait for the grand celebration of AMA microsystems' 5th Yr Anniversary on the Foundation Week... woops!

09178309706 <<-- save ko lang kasi number ni Dr. Gary Sy

*Computer end log*


CLICK HERE TO CONTINUE READING

Posted by Jepoy @ 7/23/2004 09:40:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
0 comments | | View blog reactions

Spiderman spotted!
Monday, July 19, 2004

Captain's Log STARDATE -319548.85



Brgy. Tanods and Police spotted an unusual spiderman last night. A criminal hiding in one of the roofs in our street. Bago yun, nakabaril at nakapatay si mr. spiderman ng isang lalake sa may kanto lang ng street namin merely 25-30 mins after ng pagkadaan ko galing kila lalaine. Balita ko eh nagiinuman lang sila and may napadaan na isang lalake na may kasamang 2 babae. Ihahatid yata ng guy yung mga girls sa bahay. Parang trip lang yata ni mr. spiderman na akbayan yung lalake at barilin. Labo no?

Kaninang umaga while watching Magandang Umaga Bayan, nalaman kong si mr. spiderman ay yung kapitbahay and classmate ko sa ELTRO2. Tahimik nun sa classroom at mabait(parang ako), ngayon nakakulong sya. :(

*Computer end log*


CLICK HERE TO CONTINUE READING

Posted by Jepoy @ 7/19/2004 09:00:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
0 comments | | View blog reactions

Theories and Postulate 1.004.566
Sunday, July 18, 2004

Captain's Log STARDATE -319545.03

Kakatapos lang ng exam ko kahapon. Hay. Wala akong nasagot sa ELTRO2. As if may maitutulong ng malaki yung subject na yun pag nagabroad ka or something. Dapat more on networking, oracle, cisco, etc. ang ituro sa amin. More on the practical side, less on the theoretical side. Nagfofocus kasi sila on theoritical aspects, pagdating sa field parang nakatanga lang mga students. At ako eto, naghihintay makagraduate kahit pwede na akong magturo. Nagaaral ako ngayon ng mga bagay na wala namang maidudulot or maibibigay sa akin na bago. Gusto ko maging teacher pagkatapos ko. I have all the necessary things to teach sa High School and Elementary. Pwede din sa college. Kaso hindi pa pwede. Kasi pinapahirapan pa ako matutunan ang mga bagay na walang namang silbe sa akin a few months from now. Sana bigyan na lang nila ako ng grade. Sus miyo. HAHAHA. Nananaginip ata ako ng gising.

Mas marami pang alam ang graduates ng ACLC kesa sa graduates ng CoE ng AMACU eh in terms of actual applications. San ka ba naman nakakita ng CoE graduate ng AMACU, hindi alam ang hard disk and motherboard? Pero in fairness, galing nya magsolve ng mga voltages and currents and spherical values and kung ano ano pa. Mga batchmates ko na graduate na, hindi alam magformat ng PC. Hindi alam magnetwork. Hindi alam mag upgrade ng PC. Alam nila Ragnarok, chat, email, at magcompute ng mga voltages na ewan ko naman kung san gagamitin. Siguro kung sa Google or Intel ka papasok bilang Nuclear Engineer pwede pa. Hay nako.

Kakatapos ko lang pala gawin yung design ng ID card ni Rio for their org, Filipino-Chinese Dental Students Association. Simple lang yung design. Tinatamad ako gumawa ng maganda eh. Hehehe. Tsaka ayos lang yun. Wala namang bayad eh. Hehehe.

Anyway, Mr. Wilfredo Alcober called me today. Nasa Singapore na sya. Nangangamusta. Sya nga pala yung founder ng AMA microsystems, The #1 and most admired student organization of AMA Computer University. Nasa Singapore na sya ngayon. :) I admire him kasi he founded the most admired student organization sa AMA. Ngayon eh tinataboy na sa Engineering and mas pinapaboran ang ibang org na tuwing foundation week lang nabubuhay. Pero ayos lang yun. Basta we serve the students since day 1, masaya na kami. Sya nga pala, this year is the 5th anniversary of AMA microsystems. May mga plans na kami this august pero pag hindi natuloy, isasabay na lang namin sa Foundation Week. Dapat bongga. Suggest na din si Sir Chris na open na sa lahat and membership sa microsystems since may ibang org na ang may hawak sa mga CoE only students. We are capable of doing more. Hehehe.

Maya maya ay maliligo nako. Punta ako kila lalaine. Papa develop ko pala yung pictures ni Mam Shao nung wedding nya sa may SM Fairview kasi ubos na daw yung ink dun sa Fuji Film sa may SM North. Sana hindi ko makalimutan yung CD. Hehehe.

*Computer end log*


CLICK HERE TO CONTINUE READING

Posted by Jepoy @ 7/18/2004 01:58:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
0 comments | | View blog reactions

Burger McDo... MMmmm...
Friday, July 16, 2004

Captain's Log Supplemental

Just came home from school. Nagpa autoload ako ulit sa McDo. Sayang yung freebie eh. Sarap ng Burger Mcdo. Bukas Burger Steak naman :~)
 


 
Remember the problem I mentioned earlier? Here's the actual screenshot of the billboard containing that problem. Kapag nasolve nyo yan and yung mga kasunod pang problems, pasok kayo sa trabaho sa... SECRET. Bawal mandaya.






Actually, alam ko na yung sagot kaso hindi ko magets kung paano nakuha. Hahaha. Tsaka ko na lang pag aaralan kung paano. Post nyo na lang sa comments kung nasagot nyo na or email me at lastikman AT gmail.com  Ok?
 
BTW, i took a test on how Filipino I am. I got this:

I scored a 51% on the "hOw FiLiPiNo ArE yOu?" Quizie! What about you?

*Computer end log*


CLICK HERE TO CONTINUE READING

Posted by Jepoy @ 7/16/2004 06:34:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
0 comments | | View blog reactions

Happy Birthday

Captain's Log STARDATE -319539.53
 
Happy Birthday to my Daddy!
 
Magrereview na pala ako. May exams pa ako sa MICPRO mamayang 2PM and wala pa akong naaral. Galing ko no? Ayos lang. Baka naman "drop" nako dyan eh kasi wala na daw yung class card ko. WOOPS!
 
Before I go, I am calling all geniuses and mga feeling genius na i-solve itong simpleng problem:
 
{First 10 digit prime in consecutive digits of e}.com
 
Post your answers sa Comments page. Oki?

Clue: isang URL yan.  
 

*Computer end log*


CLICK HERE TO CONTINUE READING

Posted by Jepoy @ 7/16/2004 11:23:00 AM
Post a comment! | Email This Story!
0 comments | | View blog reactions

An Appreciation...
Thursday, July 15, 2004

Captain's Log Stardate -319538.02

Post ko na din dito yung article sa akin na ginawa ni Mam Shao.

if there was one one very talented student in the field of computer studies that i knew, it would be jepoy.

ever since i joined AMACU, jepoy was one of the students i handled when i first taught Economics under the Social Sciences Department of the College of Arts and Sciences. shy and very quiet, jepoy was often thought of as very aloof, confining his thoughts only to himself. he spoke in a very quaint and gentle voice, addressing me in a very respectful manner and extending his assistance whenever i needed it - without expecting anything in return, not even a point for his grades ( hmm, kala nyo may ex-deal ha ?! ).

and then came yeng. the girl friend - the best thing that, according to jep, happened to him.

i noticed the change in jep instantly, he was now more cheerful, more open and more sociable. he even headed ama microsystems ( the most admired organization in AMACU ) and stirred the group into various activities that highlighted its members, showcasing the organization's strength. i could say that yeng - also a very kind soul with a pretty face and to-die for figure - made jep very, very happy. i am earnestly glad they found each other, they were even usher and usherette during my wedding.

and so i write this to publicly show my appreciation to everything that jep has done for me - from websites to digital cameras to presentations and film developing. i would like to thank jepoy for being the very kind person that he is, willing to help others ( actually it's not just me or any of his teachers for that matter ) to the best that he could.

salamat jep !


CLICK HERE TO CONTINUE READING

Posted by Jepoy @ 7/15/2004 10:00:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
0 comments | | View blog reactions

Brilliant but Lazy

Captain's Log STARDATE -319538.01

Spiderman = Coole



Kung napanood nyo yung spiderman, malamang narinig nyo yung line na "Brilliant... but lazy" nung unang nameet ni Doctor Octopus si Peter Parker. Siguro parang nagiging ganon na din ako, without the superhero side.

Tinatamad nako magaral. Siguro sawa nako sa pagiging masipag. Since preschool hanggang highschool nasa top 5 ako palagi (yabang ko). Hindi naman siguro sakin ang problema. Maybe sa environment din. Aba, magkaron ka ba naman ng mga batchmates na nag graduate na walang alam sa PC na kahit simpleng hard disk and sound card hindi alam.

Minsan may class ako na sobrang gusto ko kasi master ko na yung topics, yung mga classmates kong walang alam pero graduating eh sobrang taas ng grades samantalang ako 2.75 lang. Sino ba naman hindi tatamarin magaral nyan?

Dun naman sa isa, prof ko naman. Sa hindi inaasahang pangyayari eh nagkasakit ako for almost 2 weeks. And nung pumasok ako sabi ba namang wala na sa kanya yung class card ko and parang nagpaparamdam pa na UD na daw ako. Sino ba naman ang hindi maiinis nyan diba? Naalala ko yung sinabi ni Sen. Juan Flavier, "Sabi ng nanay ko pumasok lang daw ako pumasok araw araw kahit bagsak mga tests ko papasa nako".

And there's this another. Imagine, failing more than 90% of his class over and over again. Hindi ako nagbibiro. Meron akong mga kaibigan, 5 or 6 times na nila kinukuha yung subject na yun. Everytime na may quiz, less than 10 lang ang pumapasa out of 30-40 students. And one time nagexplain sya sa class. "Hindi na sa akin ang problema nyan kasi may pumapasa naman sa inyo". DDUHHH??!! May pumapasa nga, ilan naman? I failed that subject once nung second year pa lang ako. Nung 2nd take ko sana, sya ulit ang prof kaya drop ko na lang. Pero ngayon it's now or never. Kailangan ng kunin ang subject na ito or else, hindi ako ggraduate. Unfortunately, sya pa din ang prof. Sana matauhan na sya at magresign. :(

Naalala ko tuloy yung sinabi sa akin ng professor ko sa UST. Kapag daw mahigit sa kalahati na ng class ang bumagsak, magisip isip na daw yung professor na yun. And for the second time, ganon pa din kadami yung bumagsak sa klase nya and same students, he should be thinking of resigning. Siguro nga daw may problema mga students. Pero hindi nya kaya naisip na mali yung way of teaching nya kaya paulit ulit bumabagsak mga students nya? Siguro naman its time for him to adapt sa mga students nya kasi hindi makapag adapt ang students nya sa kanya. Makapal lang daw mukha ng teacher na hindi magreresign or hindi magbabago ng pagtuturo nya.

Kaya nakakatamad na magaral ngayon eh. Mas gugustuhin ko pang magaral magisa. Sana kung lahat ng professors tulad nila Mam Macorol and Mam Shao, gaganahan ako magaral. Ngayon pa, wala na akong natututunang bago sa school para magamit ko sa work ko in the future. Pangarap ko pa naman maging teacher sa high school and elementary. Unfortunately, kailangan ko pa kumuha ng masteral degree. :(

Shoutout: Thanks to Mam Shao for writing a nice article about me. You can read it by clicking HERE

*Computer end log*


CLICK HERE TO CONTINUE READING

Posted by Jepoy @ 7/15/2004 08:45:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
0 comments | | View blog reactions

A new template
Wednesday, July 14, 2004

Captain's Log STARDATE -319535.57 (07/15/2k4)

May GMAIL nako :~)

I just found out that I can make customized templates for my blogger account. So far, nahihilo nako. Ang daming special tags na nawawala. Anywayz, its working now. Adik na talaga ako sa Star Trek. I'm not a nerd ok? I consider myself a geek. A geek knows how to enjoy cool stuffs. Gets? Hehehe. Bukas na lang ulit. At least kamukha na ng site ko yung Log ko. ^__^

*Computer end log*


CLICK HERE TO CONTINUE READING

Posted by Jepoy @ 7/14/2004 11:21:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
0 comments | | View blog reactions

About This Log
Saturday, July 10, 2004

Captain's Log STARDATE -319535.44

This log was first located at my personal website. But since updating an HTML blog is quite tedious, I decided that I should get myself my own blog account. Luckily, I already have one :D. I signed up for this blogger account just to get a GMAIL invite. Unfortunately, I got none. Hehehe. And since my hair is turning into light brown to gray, maybe I should start expressing my feelings here and stop confining it to my head.

I hope I could find a Star Trek theme for this blog. :D

*Computer end log*


CLICK HERE TO CONTINUE READING

Posted by Jepoy @ 7/10/2004 10:47:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
0 comments | | View blog reactions

Tim Cumper Watch
SCAM HOAX ALERT: The Tim Cumper Scam
GameOPS' Official Statement on the Accusations of Pierre Tito Galla

Search

 

Join the Captain's Log Community



Twitter
    My Other Blogs
    Sponsored Links
    Categories
    - Anime
    - Anything Goes
    - Blogging
    - Contests
    - Current Events
    - Events
    - Freewares
    - Gadgets
    - Hardware
    - Internet
    - LOL
    - Movies
    - Mobile
    - Personal
    - Photography
    - Polls
    - Showbiz
    - Site Updates
    - Tips and Tricks
    - Tutorials
    - Video Games
    - Videos
    Starfleet Blogs
    - Lalaine
    - Mocha
    - Kuya Pau
    - Euri
    - Noelle
    - Siopao Master
    - Rochelle
    - Rocky
    - Pepper
    - Glen
    - Mark
    - Ka Edong
    - J-Spot
    - Karen
    - Barrio Siete
    - Mike
    - Bong
    - Nostalgia-M
    Sponsored Links



    MyBlogLog




    Hailing Frequencies


    You can reach me via my email above or via this Contact Form.

    You can also reach me on SMS via my public mobile +639165777270 or send GAMEOPS <space> JEPOY <space> YOUR MESSAGE to 2299.
    Use this widget to privately upload files to me using drop.io: simple private sharing


    My Amazon.com Wish List


     
    Recent Entries
    - Happy 8-finity to BeyondEternal.com!
    - I'm Buck..."et Meal" Folks!
    - Merry Christmas Na!
    - MY CHRISTMAS WISH THIS YEAR: A NOKIA C7
    - Awesome Birthday Gifts I Got
    - Happy 12th Birthday to Me!
    - Nokia's Star Trek Communicator Phone Prototype
    - I Love Maria aka RoboForce
    - Survive #SentiSabado on Twitter
    - I write like Stephen King
    Popular Entries
    - hospitalscams.blogspot.com = Severe Case of Psychosis
    - ├╝mobile Invite Codes Giveaway!
    - PLDT Landline Plus Hands-on
    - Pinoy Big Brother Scandal
    - Super Twins Director Denies Rip-off
    - Ellen Adarna Graces UNO Magazine
    - Maria Ozawa's Trip to the Philippines
    - Sigaw ng Bayan's 9 Million
    - Thank You Friendster :)
    Personal Blogging
    Archives
    - June 2004
    - July 2004
    - August 2004
    - September 2004
    - October 2004
    - November 2004
    - December 2004
    - January 2005
    - February 2005
    - March 2005
    - April 2005
    - May 2005
    - June 2005
    - July 2005
    - August 2005
    - September 2005
    - October 2005
    - November 2005
    - December 2005
    - January 2006
    - February 2006
    - March 2006
    - April 2006
    - May 2006
    - June 2006
    - July 2006
    - August 2006
    - September 2006
    - October 2006
    - November 2006
    - December 2006
    - January 2007
    - February 2007
    - March 2007
    - April 2007
    - May 2007
    - June 2007
    - July 2007
    - August 2007
    - September 2007
    - October 2007
    - December 2007
    - January 2008
    - February 2008
    - March 2008
    - April 2008
    - May 2008
    - June 2008
    - July 2008
    - August 2008
    - September 2008
    - October 2008
    - November 2008
    - December 2008
    - January 2009
    - February 2009
    - March 2009
    - April 2009
    - May 2009
    - June 2009
    - July 2009
    - August 2009
    - September 2009
    - October 2009
    - November 2009
    - December 2009
    - January 2010
    - February 2010
    - March 2010
    - April 2010
    - May 2010
    - June 2010
    - July 2010
    - September 2010
    - November 2010
    - December 2010
    - August 2011
    - November 2011
    Recent Comments
    Transporter / Site Menu
    - About Me
    - About Captain's Log
    - Favorite Links
    - Advertise
    - Subscribe
    - Licensing
    - Contact Me
    - Privacy Policy
    - Disclosure Policy
    - Photoblog
    - Personal Blog

    - Tierra Maria Estates Scam
    - Hospital Scams Hoax
    - Tim Cumper
    - Timothy Ellis Cumper
    - Ellumbra
    Entrecard
    Miscellaneous

    Design Inspired by:

    myDestiny Cable Internet
    Blue Fish Network



    Technology & Computers - Top Blogs Philippines

    Technology Blogs - Blog Top Sites

    Clicky Web Analytics


     
     
     
       
     
     
    Captain's Log
    Creative Commons License
    Captain's Log by Jepoy is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-Share Alike 3.0 Philippine License.
    Captain's Log LCARS v4 Blogger Theme created by John Phillips Bengero. ©2004-2009.
    Star Trek and related logos are trademarks of CBS Studios/Paramount Pictures. ©1966-2009.
    Captain's Log
    ss_blog_claim=38e11f6a24f3a9ecf2a68b53f2e86feb ss_blog_claim=38e11f6a24f3a9ecf2a68b53f2e86feb