BANNED
Monday, April 04, 2005 ADVERTISEMENTS
Captain's Log Stardate -318257.41
Naghihintay lang kami kanina nila Andrew, Karlo, at Kenneth sa Admissions Office na matapos ni Lalaine yung ginagawa nya ng pinatawag sya sa meeting. After mga ilang minutes, pumunta si Buena Canzana, VP-COO ng AMACU, sa Admissions office at pinaalis kaming apat. Nandun daw kasi yung cluster head na si Mr. Raymundo P. Reyes kaya dapat wala kami doon. DUH! Eh ano naman ngayon? Kanina pa nya kaya kami nakikita doon sa office. Tsaka wala naman kaming ginagawang masama. Nakaupo kami dun at naghihintay. At HELLO??!! Past 6PM na kaya. Way past 5PM ng pagtitimeout ni Lalaine. Payag ako kung sweldo ni Lalaine katulad sa kanila eh. Gusto pa nila dun kami matulog!
Last February nga si Mr. Amable R. Aguiluz at sila Mr. Karim Bangcola pa ang nagaalok sa amin ng pagkain sa Admissions Office. And wala naman talagang nagpapaalis sa amin dun. The fact pang ang dami na naming naitulong sa opisinang yun. Simula ng pumasok ako sa AMA, Admissions Office na talaga tambayan namin. And hindi lang kami tumatambay, tumutulong kami. Nagsusulat, sumasagot ng phone, nageentertain ng mga walk-ins, etc. Sabi nga dati ni Sir Wilfredo Dano na mas mabuti ngang nasa loob kami ng office kesa nasa labas kami at naghihit-hit ng kung ano anong usok. Kahit si Mam Josie Balon ok lang na nandun kami. Masaya pa nga sya dahil madami kaming naitutulong.
Mga 2 weeks ago sinabihan na din kami nila Kenneth at Ralph na "It's unfair to the other students kung nandito kayo sa office.." DUH 2x. Kaya nga kami andun kasi tinutulungan namin sila Mam Amy at Lalaine. Then nung isang araw sabi nya dun sa isang employee ng AMA.. "Nakakainis na sila... nasa Admissions na naman nakatambay.."
Hay nako.. Insecure lang siguro tong nagpapaalis sa amin. Sya nga din pala dahilan kung bakit muntikanan kami mademanda nila Karlo at Andrew ng Level-Up! Games last 2003. Kaya nga medyo inis ako dito eh. Hindi lang pala medyo.. SOBRA.
Hindi bale, sasabihan ko na mga susunod na officers ng AMA microsystems. Huwag na silang tutulong sa kahit anong department. Admissions, OSA, Library, etc. Tutal madami naman silang emplyado dyan eh... na walang sweldo! Go AMA!
BTW, hindi pa din activated Globe ALLUWANT ko!! D^S&*D%(*S&D
*Computer end log*

Love my blog? Then subscribe by entering your email address below. You will receive blog updates directly to your inbox.
|
THERE ARE 3 COMMENT(S) ON THIS POST:
Welga na yan!
inaagaw nyo yung work nya eh!
bakit kayo papademanda ng level up games?
@jei - mahabang kwento.. bukas kwento ko sa YM. HEhehe.
Post a Comment
Comments on Captain's Log are moderated. Comments will not be visible until it has been approved.
Please choose the NAME/URL field when posting a comment if you do not have an account with OpenID, Google, Gmail, LiveJournal, or Wordpress.com. Anonymous comments will be rejected.
Click here for Related Content
Subscribe to Post [Atom]
Subscribe to Post Comments [Atom]
Comments? Suggestions? Violent reactions? Click here to contact me. Otherwise, post your comment here.