<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d7294114\x26blogName\x3dCaptain\x27s+Log\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_HOSTED\x26navbarType\x3dBLACK\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jepoy.bengero.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jepoy.bengero.com/\x26vt\x3d-5041441038811922973', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Captain's Log
Captain's Log
Subscribe to my feed, Captain's Log Enter your email address:

wOw Bicol
Tuesday, May 17, 2005

ADVERTISEMENTS


Captain's Log Stardate -318374.18

Day 1 = May 13, 2005

Gumising at bumangon ako ng 10am at nagulat ako sa tinext sa akin ni Lalaine:

G'morning po. Uwi kmi s bicol mamya. Sama k n po. Loveyou.


Medyo nasa state of shock pa ako habang kumakain ako ng almusal ng tumawag si Lalaine. Sabi nga nya na uuwi sila at kung sasama ako eh magbubus kaming dalawa kasi hindi na kami kakasya sa kotse. Gusto kong sumama na ewan ko kung ano ang sasabihin ko kasi hindi pa ako nakakapagpaalam kay Daddy ko. Si Lalaine na pinagtext ko kay Daddy para ipaalam ako (baligtad na mundo...) at pumayag naman. Pagkatapos ko maligo eh tumawag si Daddy sa cellphone at sabing huwag na lang akong sumama... too late. Papunta na si Lalaine dito sa bahay. Wala ng nagawa si Daddy kaya nagayos na ako ng gamit. Mga past 3PM eh lumabas na kami at sinabay kami nila Tita Rita papuntang MRT North Ave. Station.



Bumaba kami ng Cubao at naghanap ng mabibilan ng ticket papuntang Tabaco, Albay. Puro likod na lang yung vacant ng mga bus na aalis ng 5PM. Ang tagal naming nagikot ikot sa may Araneta Bus Terminal sa likod ng AliMall. Nakakita kami ng maluwag na bus na aalis ng 9PM kaya kinuha na namin. Seat 19-20 kami at Raymond Transportation yung bus. 10-12 hours ang biyahe mula Cubao papuntang Tabaco, Albay.

Pagkabili namin ng ticket eh kumain na muna kami sa... (guess where?) KFC! Pagkatapos naming kumain eh namili na kami ng babaunin naming tubig at pagkain. Nagikot-ikot muna kami sa Gateway tapos ng mga 830 eh pumunta na kami ng terminal at saktong papasok na yung bus na sasakyan namin. Mga 915PM na umalis yung bus at mga past 10PM eh natulog na kami. Pero hindi kami makatulog. Hahahaha! Ang alog kasi.

Day 2 = May 14, 2005

Bandang 2AM ay nagstop-over kami sa may Quezon tapos eh tuloy na naman ang biyahe. Lalong hindi kami nakatulog ng dumaan na kami sa may zigzag. Para kaming sardinas na inaalog sa loob ng lata.

5AM eh nagising ako sa radyo at sinabing nasa Naga na daw kami. Akala ko malapit na kaya nagtanong ako kay Lalaine. 1hr+ pa pala. Mga past 8AM na kami nakadating sa Tabaco at pumasok muna kami ng Jollibee para hintayin sila Tito Peng. Matagal na pala silang nandun at hindi lang namin napansin. Pagkasakay namin ng kotse eh nakita ko na yung Mayon Volcano. Malapit lang pala yun sa bahay nila Lalaine.



Pagkadating namin sa bahay eh nagmano muna kami tapos pasok agad sa kwarto. Nakatulog kami pareho agad sa sobrang pagod. Bandang tanghali eh ginising na kami para kumain. Sa kapitbahay kami nakikain ng lunch. Pagkatapos namin kumain eh nagpahinga lang sandali. Pupunta dapat kami ng Mayon kasi sabi ni Tita Bel na naka Red Alert daw kaya bawal umakyat. Pumunta na lang kami sa Dhio Resort para tignan yung lugar. Tubig sa batis yung gamit nila sa pool kaya malamig. Running water din kaya wala ng chlorine yung tubig





Ang haba ng binabaan namin. Nung pag-akyat namin pabalik, wala pa sa gitna yung nilalakad namin ay nanginginig na mga tuhod namin. Sobrang taas kasi. 130 steps daw sabi ni Tita Marlen.

Pagkatapos namin dun ay pumunta na kami ng Tabaco City para magpagiling ng baboy at kumain ng halo-halo. Hindi ako mahilig sa halo-halo pero dahil sa init eh naubos ko yung isang baso. Dapat magnight swimming na lang kami sa Dhio pero ayaw nila Tita Marlen. Madami kasing NPA dun sa dadaanan namin papuntang Dhio. Mahirap ng matyempuhan.

Nung gabi eh pumunta kami sa peryahan. Maglalakad kami dapat pero hinatid na kami ni Tito Edgar sa tricycle. Nagback-ride kami ni Jay-Jay. AS IN SA LIKOD TALAGA. Hindi sa likod ng driver ha, sa likod mismo ng tricycle. Nagkasya kaming lahat sa tricycle-- sila Lalaine, Diana, Ajing, Jowey, Jay-Jay, Ako, Jian, at yung dalawang bata. Sandali lang kami sa perya.

Day 3 = May 15, 2005

Tanghali na kami bumangon at naghanda na kami ni Lalaine ng gamit na dadalin sa Dhio. Ngayon kasi kami magsswiming. Nauna na kami nila Lalaine at mga bata kasi hindi kami kasyang lahat sa sasakyan. Sobrang lamig ng tubig. Sabi ko nga kay Lalaine eh kailangan ko ng jacket kasi giniginaw ako habang nakababad sa tubig. Pag ahon ko ng tubig ay sumakit ng sobra yung ulo ko. Nabigla siguro ako kasi sobrang lamig ng tubig tapos ang init ng paligid. Eto yung panoramic view ng Dhio:

Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Eto yung ibang pictures pa ng Dhio:




Umuwi kami mga 5PM na at nauna kami ulit umuwi. Pagdating namin ng bahay eh natulog kami ulit ni Lalaine. Sobrang pagod. Nung gabi eh naglaba si Lalaine at pagkatapos nagkayayaan ulit sa perya.

Day 4 = May 16, 2005

Gumising kami ni Lalaine ng maaga para sumama kay Tita Bel sa Tabaco. Magpapareserve na kami ng ticket para makabalik na sa Quezon City. Pagdating namin sa terminal eh puno na halos lahat at puro likod na lang yung bakanteng upuan. Kailangn kasi namin makauwi na ngayon dahil may hearing si Lalaine sa NLRC ng May 17 ng 10AM. Nung nawalan na kami ng pag-asa ay uuwi na sana kami ng may lumapit sa amin na isang kalbo... i sense the dark side....



May Extra Bus pa pala kaya nagpareserve na kami. Kasama namin si Tita Salve at yung anak nya na Lalaine din ang pangalan at yung Nanay nya. Bago kami umuwi eh pumunta kami ni Lalaine dun sa simbahan na malapit lang.




Free Image Hosting at www.ImageShack.us Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Pagkauwi namin eh naligo na kami ni Lalaine kasi pupunta kami sa Mayon!! YEHEY!! Pupuntahan namin yung simbahan sa may ginta ng Mayon Volcano.



Kalagitnaan ng biyahe namin eh umusok bigla yung sasakyan. Nagoverheat. Bumaba kaming lahat at buti nalang may bahay dun sa tabi. Nakihingi kami ng tubig tapos tumuloy na kami sa taas. May mga stations of the cross sa daan paakyat ng simbahan.



Madaming ulap kaya hindi masyado natanaw yung tuktok ng Mayon. :~( May batang nagbebenta ng owl dun sa taas. P150 ang isa. Malas ko at P100 lang dala kong pera. Huhuhuhu! Gusto ko ng Owl.

Free Image Hosting at www.ImageShack.us Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Pagkagaling naming Mayon eh umuwi na kami para magpahinga. Nasa Legaspi sila Tito Joel kasi dun pinagawa yung kotse. Kaya nagtricycle kami nila Lalaine at Tita Salve papuntang Tabaco terminal. Lima kami plus bagahe plus driver. 25mins akong nasa loob at para na akong si Lastikman sa pagkakaipit sa loob. Pagdating naming terminal eh bumili na kami ng pasalubong at mga baon na pagkain. 530PM sakto umalis yung bus.

Nung mga 15-30mins na, giniginaw na si Lalaine at masakit na tiyan nya. Mga ilang oras pa eh nangangatog na sa ginaw at medyo mainit na sya. Wala akong mabiling paracetamol sa mga stop over kaya pinilit ko na lang hindi matulog para bantayan sya. Ang dami pang stop-over ng bus na sinakyan namin.

Day 5 = May 17, 2005

Pagdating namin sa may Pasay eh pinababa na kami at sabing flat daw ang gulong. Si Tita Salve ay nakipagaway dun sa kamukha ni Rene Requiestas na conductor. Hindi pumayag na hindi namin makuha yung refund ng ticket. sabi ko na nga ba at hindi mapapagkatiwalaan mga kalbo eh....



Nagtaxi na kami papuntang Cubao. Nandun sila Nanay Pat at Tatay Ben para sunduin kaming dalawa ni Lalaine. Pagdating ko ng bahay ay hindi nako natulog at hinintay ko na lang si Daddy ng 6AM. Pupunta kasi kami sa sementeryo dahil 6th Death Anniv ni Papa.

Pinatulog ko muna si Lalaine at ginising ko ng 8AM. May hearing kasi sya ngayon sa NLRC sa Banawe ng 10AM. Kahit inaapoy na sya ng lagnat eh sinubukan pa din nyang pumunta. Sasama dapat ako sa kanila ni Tatay Ben kaso hindi ko na kaya kasi 1hr pa lang ang tinutulog ko simula kahapon ng 3PM. Mag 11 na eh wala pa din si Indyanerong Kalbo. Last reset na to at nagbilin na lang sa office. Wala "daw" kasi dun. Wala daw. BOO! Wala nga ba Andrew? Hehehe.

Pagkauwi ni Lalaine eh dumaan muna sila dito ni Tatay Ben para magpalit kami ng cellphone. I-dodownload ko lang yung mga pictures namin sa PC.

Next year gusto ko ulit bumalik dun! Ang lamig tsaka ang tahimik. Simple lang pamumuhay. Hindi complicado tulad dito sa Quezon City. Wala pang pollution dun.

*Computer end log*


Posted by Jepoy @ 5/17/2005 01:52:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
6 comments | | View blog reactions

Love my blog? Then subscribe by entering your email address below. You will receive blog updates directly to your inbox.
 Enter your email address:

LINKS OR TRACKBACKS:

Create a Link





Search the Web or My Blog for wOw Bicol
 
Custom Search

THERE ARE 6 COMMENT(S) ON THIS POST:

Posted by Blogger stubbornbananna on Wednesday, May 18, 2005 at 1:31:00 AM GMT+8:  
shemet. gusto ko na ulit bumalik sa bicol. nagpunta kami dun nung april 2003. lapit nga yung mayon sa tabaco, may pinuntahan din kami na pool dun pero hindi sa pinuntahan nyo. sa guinobatan, albay kami nag-stay. sila mommy taga legaspi. whaa, na miss ko tuloy ang bicol.

Posted by Blogger Karlo on Wednesday, May 18, 2005 at 2:45:00 PM GMT+8:  
daya

Posted by Blogger Siopao Master on Thursday, May 19, 2005 at 8:26:00 AM GMT+8:  
bicol express..XD

Posted by Blogger Jepoy on Thursday, May 19, 2005 at 10:34:00 AM GMT+8:  
next year punta tayo bicol!!

Posted by Anonymous annkat on Friday, May 20, 2005 at 8:01:00 AM GMT+8:  
uuyyy!!! ehehehe...tga bicol c lalaine? tga dun din kmi.. haha... kita ko ung pichur nung hagdan pababa ng mga pools...antaas nun noh?! ehehe..kakapagod umakyat! la lng..:)

Posted by Blogger Jepoy on Friday, May 20, 2005 at 8:32:00 AM GMT+8:  
san kau dun? Ang taas nga nung sa pool eh. Dapat may elevator sila. hahahaha

Post a Comment

Comments on Captain's Log are moderated. Comments will not be visible until it has been approved.

Please choose the NAME/URL field when posting a comment if you do not have an account with OpenID, Google, Gmail, LiveJournal, or Wordpress.com.
Anonymous comments will be rejected.



Click here for Related Content
Subscribe to Post [Atom]
Subscribe to Post Comments [Atom]
Comments? Suggestions? Violent reactions? Click here to contact me. Otherwise, post your comment here.

Ferengi Rules of Acquisition #1 Once you have their money, never give it back. Click the DONATE button to donate any amount :~)
   
My Amazon.com Wish List Ferengi Rules of Acquisition #164 Never spend your own money when you can spend someone else's. So why not buy the things from my wishlist? :~)


Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.

Tim Cumper Watch
SCAM HOAX ALERT: The Tim Cumper Scam
GameOPS' Official Statement on the Accusations of Pierre Tito Galla

Search

 

Join the Captain's Log Community



Twitter
    Categories
    - Anime
    - Anything Goes
    - Blogging
    - Contests
    - Current Events
    - Events
    - Freewares
    - Gadgets
    - Hardware
    - Internet
    - LOL
    - Movies
    - Mobile
    - Personal
    - Photography
    - Polls
    - Showbiz
    - Site Updates
    - Tips and Tricks
    - Tutorials
    - Video Games
    - Videos
    Starfleet Blogs
    - Lalaine
    - Mocha
    - Kuya Pau
    - Euri
    - Noelle
    - Siopao Master
    - Rochelle
    - Rocky
    - Pepper
    - Glen
    - Mark
    - Ka Edong
    - J-Spot
    - Karen
    - Barrio Siete
    - Mike
    - Bong
    - Nostalgia-M
    Sponsored Links



    MyBlogLog




    Hailing Frequencies


    You can reach me via my email above or via this Contact Form.

    You can also reach me on SMS via my public mobile +639165777270 or send GAMEOPS <space> JEPOY <space> YOUR MESSAGE to 2299.
    Use this widget to privately upload files to me using drop.io: simple private sharing




     
    Recent Entries
    - Nxt Level Na! Magpypyramid K P B?!
    - Speed up the web with Google!
    - Indianerong Kalbo
    - The Eye: Reloaded
    - The Journey to the Last Saga...
    - XBOX SUX!
    - Spirits
    - Doggy Day Care
    - Meteor Garden Returns
    - Signal Interruption
    Popular Entries
    - hospitalscams.blogspot.com = Severe Case of Psychosis
    - ├╝mobile Invite Codes Giveaway!
    - PLDT Landline Plus Hands-on
    - Pinoy Big Brother Scandal
    - Super Twins Director Denies Rip-off
    - Ellen Adarna Graces UNO Magazine
    - Maria Ozawa's Trip to the Philippines
    - Sigaw ng Bayan's 9 Million
    - Thank You Friendster :)
    Personal Blogging
    Archives
    - June 2004
    - July 2004
    - August 2004
    - September 2004
    - October 2004
    - November 2004
    - December 2004
    - January 2005
    - February 2005
    - March 2005
    - April 2005
    - May 2005
    - June 2005
    - July 2005
    - August 2005
    - September 2005
    - October 2005
    - November 2005
    - December 2005
    - January 2006
    - February 2006
    - March 2006
    - April 2006
    - May 2006
    - June 2006
    - July 2006
    - August 2006
    - September 2006
    - October 2006
    - November 2006
    - December 2006
    - January 2007
    - February 2007
    - March 2007
    - April 2007
    - May 2007
    - June 2007
    - July 2007
    - August 2007
    - September 2007
    - October 2007
    - December 2007
    - January 2008
    - February 2008
    - March 2008
    - April 2008
    - May 2008
    - June 2008
    - July 2008
    - August 2008
    - September 2008
    - October 2008
    - November 2008
    - December 2008
    - January 2009
    - February 2009
    - March 2009
    - April 2009
    - May 2009
    - June 2009
    - July 2009
    - August 2009
    - September 2009
    - October 2009
    - November 2009
    - December 2009
    - January 2010
    - February 2010
    - March 2010
    - April 2010
    - May 2010
    - June 2010
    - July 2010
    - September 2010
    - November 2010
    - December 2010
    - August 2011
    - November 2011
    Transporter / Site Menu
    - About Me
    - About Captain's Log
    - Favorite Links
    - Advertise
    - Subscribe
    - Licensing
    - Contact Me
    - Privacy Policy
    - Disclosure Policy
    - Photoblog
    - Personal Blog

    - Tierra Maria Estates Scam
    - Hospital Scams Hoax
    - Tim Cumper
    - Timothy Ellis Cumper
    - Ellumbra
    Entrecard
    Miscellaneous

    Design Inspired by:

    myDestiny Cable Internet
    Blue Fish Network



    Technology & Computers - Top Blogs Philippines

    Technology Blogs - Blog Top Sites

    Clicky Web Analytics


    My Amazon.com Wish List
     
     
     
       
     
     
    Captain's Log
    Creative Commons License
    Captain's Log by Jepoy is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-Share Alike 3.0 Philippine License.
    Captain's Log LCARS v4 Blogger Theme created by John Phillips Bengero. ©2004-2009.
    Star Trek and related logos are trademarks of CBS Studios/Paramount Pictures. ©1966-2009.
    Captain's Log
    ss_blog_claim=38e11f6a24f3a9ecf2a68b53f2e86feb ss_blog_claim=38e11f6a24f3a9ecf2a68b53f2e86feb