My Sassy Girl
Saturday, June 11, 2005 ADVERTISEMENTS
Captain's Log Stardate -318443.21
September 2002, Star Mandarin Movies, Destiny Cable - Dyan ko unang napanood ang My Sassy Girl. Korean Audio... Chinese Subtitle. Astig. HAHAHAHA! Last hour na nung naabutan ko yung My Sassy Girl sa Star Mandarin at past 11PM na yun. Actually, dapat matutulog nako kasi sabi ko kay Lalaine na sabay kami matutulog ng 10PM pero nilipat ko yung TV sa favorite channel ko.. Star Mandarin. Wehehehe.
Hindi ko naiintindihan yung pinagsasabi sa My Sassy Girl pero naiyak ako dun sa music na "I Believe" kahit hindi ko din naiintindihan. HAHAHAHA! Pagkatapos nun ay palagi na akong nag-aabang sa Star Mandarin para malaman ko yung title at baka maulit. Pati si Kuya Albert (JackyTiyan) nagaabang na din. Simula September hanggang ngayon ay 30+ times ko syang napanood sa Star Mandarin and VCDs. Nung January 1, 2003 1:30AM ko lang nalaman yung title nya dahil saktong pinapalabas sa Star Mandarin at naisipan kong tignan sa website nila yung pangalan ng movie.
Hindi ko alam nangyari pero naintindihan ko din yung movie kahit 70%. Siguro dahil ilang beses ko na itong inulit-ulit
Mula 2001 hanggang 2003 ay adik ako sa panonood ng Star Mandarin. Oo.. Hindi pa uso Meteor Garden. Wala pang Chinovela o kung ano mang Koreanovela. Sayang lang at nawala ang Star Channels sa Destiny dahil sa kaswapangan ng SKYCable.. Haay...
Natatawa na lang ako sa mga kakilala ko ngayon na gusto na din ng My Sassy Girl and nilalagay pa nila sa kanilang mga Friendster profiles na favorite movie nila ito samantalang dati pinagtatawanan nila ako pag pinapanood ko yun. Buhay nga naman. Ngayon paborito na ng bayan ang My Sassy Girl at magkakaroon pa ng Tagalog Version and USA remake by DreamWorks.

Parang too late na yata kung ngayon lang nila ilalabas sa Philippine cinema tong movie na to. Mga March 2003 sumulat ako sa ABS-CBN para dalin nila dito yung My Sassy Girl pero hindi nila pinansin email ko. Oh well...
*Computer end log*

Love my blog? Then subscribe by entering your email address below. You will receive blog updates directly to your inbox.
|
THERE ARE 4 COMMENT(S) ON THIS POST:
WANNA DIE???? KISS BUENA!
http://img55.echo.cx/img55/8759/010405163ka.jpg <---- WANNA PUKE?, VISIT THIS!!!
Gachitule? Coffee two!
ganyan talaga life... ako rin pinagtatawanan ako noon kasi ako lang ata nanonood ng star mandarin buong araw na hindi nakakaintindi ng chinese :D
pero ngayon eh request ng request ng dvd mga friendship ko sa pinas... hay life!
Post a Comment
Comments on Captain's Log are moderated. Comments will not be visible until it has been approved.
Please choose the NAME/URL field when posting a comment if you do not have an account with OpenID, Google, Gmail, LiveJournal, or Wordpress.com. Anonymous comments will be rejected.
Click here for Related Content
Subscribe to Post [Atom]
Subscribe to Post Comments [Atom]
Comments? Suggestions? Violent reactions? Click here to contact me. Otherwise, post your comment here.