Wiretrapped Philippines
Sunday, June 19, 2005 ADVERTISEMENTS
Captain's Log Stardate -318465.61
Isang linggo ko ng napost yung links ng tinagurian ng lahat na GloriaGate Scandal or GloriaGate Tapes para madownload at mapakinggan ng lahat. Naipost ko pa nga yung link papunta sa blog ko sa blog ng Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ dahil medyo nagkakaproblema sila sa bandwidth sa sobrang dami ng nagdodownload ng mga audio files nila. Naipost pa ni Sir Alecks sa pinaka-main page yung link papunta sa blog ko kaya lalong dumami ang naliligaw ng landas papunta sa blog ko. Sa takot ko na baka habulin ako ng Malacanang, nakiusap na lang ako na alisin na lang yung link papunta sa aking blog at palitan na lang ng eksaktong link papunta sa Rapidshare, kung saan nakalagay ang mga audio tapes.
Dumaan ang ilang araw, hindi na napigilan ng pagkakaalis ng link ko sa blog ng PCIJ ang pagdagsa ng mga naghahanap ng mga audio tapes. Kumalat na pala sa mga message board at email ang address ng blog ko. Napawi na din ang pangamba ko dahil sa pagkakarepost ng INQ7.net ng links sa mga audio tapes at sa pagpopost na din ng iba pang bloggers at abs-cbnNEWS.com. Hindi pa naman daw kami delikado sa Anti-Wire Tapping Law kasi wala pang umaamin. Kahit na aminin pa nila, kaya ba nilang idemanda lahat ng tao na may kopya nito? Baka maubos tao sa Pilipinas...
Dumagsa pa lalo ang tao sa blog ko ng ma-index na ng Yahoo! ang blog ko at dito napapadpad ang mga taong naghahanap sa Yahoo! ng mga katagang:GloriaGate Download, GloriaGate transcript, Hello Garci Ringtone, Download GloriaGate, at marami pang iba.
Pagkatapos ng isang linggo, ilang libo na din ang nakapakinig ng audio tapes. Nandyang manawagang magresign na si President Gloria, mag People Power 3, mag-rally sa labas at kung ano ano pa. Hindi naman sa maka-GMA ako pero hindi ito ang tamang panahon para magdemand ng resignation sa Pangulo o mag-organize ng People Power. Hindi din tama na manulsol ang mga pulitiko sa mga masa na mag-alsa.
Ilang TV specials na ang napapanood ko na ang pinaguusapan eh ang kahirapan at pagkagutom sa Pilipinas. Oo, hindi na bago ito. Pero ngayon mas malala na. Dito ka lang makakakita ng isang magsasaka na walang masaing na bigas, mangingisda na walang malutong isda para sa pananghalian.
Sana maging responsable tayong mamamayan. Sabihin na nating nandaya nga si President Gloria, ano gusto nyo? Mag-People Power na naman? Snap Elections? Imbestigasyon? ANO BA PAKIALAM NG MGA NAGUGUTOM NA TAO SA MGA LECHENG PEOPLE POWER OR MGA IMBESTIGASYON NA YAN??! Kung sakaling matanggal si President Gloria, sino papalit? Si ERAP? Si Susan Roces?
Yang mga nagrarally na yan, may napapala ba kayo? May maganda bang naidudulot yan sa ekonomiya natin? Imbes na inuubos nyo pera nyo sa pagpapagawa ng mga malalaking posters at effigies, BUMILI NA LANG KAYO NG LUGAW PARA PAKAININ MGA BATA AT MATATANDANG NAGUGUTOM SA KALSADA! May napuntahang katuturan pa yang pera nyo at hindi kayo nagcocontribute sa pollution dahil sa mga basura na iniiwan nyo pag nagrarally kayo. Wala nga kayong disiplina sa sarili, ano pang karapatan nyong magrally. Sige na, madami kayong "ayaw" kay GMA, PERO MAS MARAMI SA INYO ANG WALANG PERA AT NAGUGUTOM.
Haay... Palagi na lang ganito. Sawa nako. Gamitin sana natin ang mga utak natin. Palagi na lang natin pinagreresign mga namumuno sa atin tapos papalitan ng taong pipilitin din nating magresign. Kung ganito na lang ng ganito, sana sakupin na tayo ulit ng Amerika o ng Japan. Baka umunlad pa tayo.
Sa mga nagtatanong pala kung paano madodownload yung GloriaGate Audio Tapes and Ringtones, Click nyo na lang yung links sa baba:
* Ringtone * GloriaGate Tapes
*Computer end log*

Love my blog? Then subscribe by entering your email address below. You will receive blog updates directly to your inbox.
|
THERE ARE 0 COMMENT(S) ON THIS POST:
Post a Comment
Comments on Captain's Log are moderated. Comments will not be visible until it has been approved.
Please choose the NAME/URL field when posting a comment if you do not have an account with OpenID, Google, Gmail, LiveJournal, or Wordpress.com. Anonymous comments will be rejected.
Click here for Related Content
Subscribe to Post [Atom]
Subscribe to Post Comments [Atom]
Comments? Suggestions? Violent reactions? Click here to contact me. Otherwise, post your comment here.