Wowowee on the streets
Friday, June 24, 2005 ADVERTISEMENTS
Captain's Log Stardate -318479.28

Nakakatuwang panoorin ang Wowowee sa ABS-CBN. Dito mo makikita yung mga Pilipinong subscribers ng TFC or The Filipino Channel ng ABS-CBN na tumutulong sa mga kapwa nila Pilipinong nangangailangan ng tulong. Kahit yung iba US$1 lang ang naibibigay, ok lang yun. At least may naibibigay sila. Sa paunti unting yun eh minsan umaabot sa US$300 ang nakukuha ni Mr. Willie Revillame at pinamimigay naman nya ito sa mga taong pumipila para sa Pera o Bayong.
Sa totoo lang, madami ang natutulungan ng palabas na ito. Sana, yung mga public officials natin ay katulad ng ugali ng mga TFC Subscribers. Ano ba yung magbigay sila ng P200/day tapos bumili sila ng pagkain para sa mga walang makain. Imbes na ilang oras silang nagdedebate ng mga walang ka-kwenta kwentang bagay. Diba? Marami pa silang natulungan. Yung mga nagrarally sa kalye na maralita "kuno" pero may pampagawa ng mga banners, gamitin na lang sana nila yung pera na ginagastos nila dun para mapakain yung mga palaboy o kaya mabigyan ng tirahan ang mga walang bahay at squatters. Kami nga dati sa school, hirap na hirap magpagawa ng isang banner para sa organization namin dahil mahal! Hayy... nako..
Sana, tigilan na yang mga ingay sa kalye. Panahon na para magtulungan bawat isa sa atin habang may panahon pa... Baka isang araw dumating na lang si ET.
*Computer end log*

Love my blog? Then subscribe by entering your email address below. You will receive blog updates directly to your inbox.
|
THERE ARE 0 COMMENT(S) ON THIS POST:
Post a Comment
Comments on Captain's Log are moderated. Comments will not be visible until it has been approved.
Please choose the NAME/URL field when posting a comment if you do not have an account with OpenID, Google, Gmail, LiveJournal, or Wordpress.com. Anonymous comments will be rejected.
Click here for Related Content
Subscribe to Post [Atom]
Subscribe to Post Comments [Atom]
Comments? Suggestions? Violent reactions? Click here to contact me. Otherwise, post your comment here.