Globe's Rude CSR
Friday, July 22, 2005 ADVERTISEMENTS
Captain's Log Stardate -318556.15

Kagabi nagbubutingting ako ng menus ng Globe Scvs+ ng 64K Xtreme Memory SIM ko and may natuklasan akong matagal ko ng gusto. Ang downloadable G-Cash menu. Sa sobrang tuwa ko, dinownload ko at kung ano-ano pang menus ang nadownload ko. GENTXT PowerLink, Prepaid Balance, BDO Cash Card, etc.
Kaninang umaga, sinubukan kong lagyan yung 128K XL SIM ng tatay ko. Aba, walang laman yung myFavorites>Add>Money> na G-Cash menu. Tatlo lang ang laman. Inisip ko baka naguupdate lang yung Globe at that time kaya hinayaan ko na. Nung dumating si Lalaine, sinubukan kong lagyan yung 64K nya. Meron!
Sinubukan ko ulit ngayong gabi na lagyan yung sa tatay ko. Wala pa din. Ang laman lang ng Money menu ng 128K ay BPI Mobile, BPI Connect, at ForEx. Sa 64K, BDO Cash Card, BPIExpressPay, Forex, Prepaid Rld, BPI Connect, G-Cash, Prepaid Blnce. Tumawag ako kani-kanina lang sa Globe 211. Mahinahon akong nagexplain ng scenario ko. Hinold ako for 2-3 minutes then pagbalik, tinatanong kung retailer SIM ba daw yung SIM ko. Sinabi ko na hindi. Sinabi sa akin na wala daw updates sa kanila na available na yung menu download ng G-Cash. Hiningi ko na lang sa kanya yung Keyword and access number para madownload ko manually yung G-Cash menu. Sinabi sa akin na hindi nga available idownload yung G-Cash menu and nagtaas na sya ng boses. Sinabi na ifoforward na lang daw nya na parang inis. Sinabi ko na lang yung buo kong pangalan then sumingit bigla na "I THOUGHT YOU WERE JEPOY BLA BLA BLA...". Sinabi ko na FULL NAME ko yung kakasabi ko lang at sinabi ko na "ms, paki indicate na lang dyan na administrator ako sa myGlobe..." Biglang sya napa. "oh sir.." Binaba ko na lang yung telepono.
Hay, bakit ba ako tumawag pa sa CSR.. alam ko namang walang matinong isasagot sa akin yan. Tsk Tsk Tsk...
*Computer end log*

Love my blog? Then subscribe by entering your email address below. You will receive blog updates directly to your inbox.
|
THERE ARE 0 COMMENT(S) ON THIS POST:
Post a Comment
Comments on Captain's Log are moderated. Comments will not be visible until it has been approved.
Please choose the NAME/URL field when posting a comment if you do not have an account with OpenID, Google, Gmail, LiveJournal, or Wordpress.com. Anonymous comments will be rejected.
Click here for Related Content
Subscribe to Post [Atom]
Subscribe to Post Comments [Atom]
Comments? Suggestions? Violent reactions? Click here to contact me. Otherwise, post your comment here.