Jerry Liao's Power Tips
Wednesday, September 14, 2005 ADVERTISEMENTS
Captain's Log Supplemental Stardate -318704.02
 AMA microsystems Family
Umattend kami kanina ng seminar ni Jerry Liao on Power Tips with Windows XP and Office 2003. Kasama namin ni Lalaine sila, Karlo, Andrew, Ralph, Minnie, Gilbert, at Jenny. Usapan namin, ang hindi dumating ng 7:00AM sa MRT North Ave. Station ay iiwan. Syempre ako ayaw ko ng malate tulad dati, kaya mga 640 nasa MRT na kami ni Lalaine. Nagpahatid na lang kami sa Daddy ko. 7:30AM na at wala pa sila... ahay! Buti na lang at pasado 9AM na nagstart yung seminar na dapat 7:30AM ang simula.
Bago magsimula ang seminar ay sinilip ni Andrew yung laman ng plastic bag na binigay sa amin sa registration area. OOHHLAAALLAAAA!! Look at what we have found:

Go places talaga.. GO places talaga ang flyers nila! Wahahaha!! :~)
Pagkatapos ng seminar ay nagpapicture kami ni Andrew kay Mr Tech Guy himself, Mr. Jerry Liao. Ayaw nila Karlo magpapicture.. Nahihiya yatang mainterview. :~)
 Andrew, Jerry Liao, Jepoy
Nagikot ikot muna kami sa mga booths na nakasetup. Nagtrip kami ni Andrew at sinubukan naming magpapicture doon sa "boothbabe" ng STI College habang suot-suot namin ni Andrew yung AMACU ID namin! Astig! AHAHAHAHA!!!


Nung nakita kami ng taga-STI ay... napasigaw yung isang babae doon sa booth.. "uy mga taga AMA!! Halikayo dali dali!!"... *sabay abot flyers* Syempre dapat magpapicture din kami sa Alma Matter namin kahit mabigat sa kalooban ko.. ahaha!

Habang nag-iikot kami, may nakita akong na akala namin si ano... si..... (tignan nyo yung nakatalikod/sideview):

Bago kami umuwi ay claim namin ni Minnie yung prize namin sa registration booth.. Isang bag na may nakaprint na Computer Associates... pero nakalagay sa papel na nakuha namin ay gift from Trend Micro... Langya.

Dumiretso na kami sa G4 para mananghalian (si andrew bitin sa breakfast ng Microsoft). Sa KomoroSoba kami kumain.. Mokong yung nag-abot sa akin ng menu na puro seafoods na bawal naman sa akin.. Inorder namin ni Lalaine yung pork katsu. Na-obssessed na naman si Lalaine sa paggamit ng chopstick. Manghang-mangha kaming lahat sa paggamit ni Minnie ng chopstick (obvious ba?):

Bago kami maghiwahiwalay ay kinausap ko na silang lahat para sa mga future plans ng AMA microsystems at inayos ko na ang mga samaan ng loob nila. Sana maayos na at ilang buwan na lang at magffoundation week na.
Pupunta muna ng AMA Makati sila Karlo at Andrew, sila Minnie, Ralph, at Jen naman ay may hahanaping libro sa National Bookstore. Kami ni Lalaine ay dumiretso na dito sa bahay namin para kunin yung kotse at umuwi na sa kanila. Pagdating namin doon ay inayos na namin yung papers ng PapaNi para sa SEC.
*Computer end log*

Love my blog? Then subscribe by entering your email address below. You will receive blog updates directly to your inbox.
|
THERE ARE 2 COMMENT(S) ON THIS POST:
nakalimutan mo si sir merto!!! hahaha
andun kaya. May link pa sa blog nya. :))
Post a Comment
Comments on Captain's Log are moderated. Comments will not be visible until it has been approved.
Please choose the NAME/URL field when posting a comment if you do not have an account with OpenID, Google, Gmail, LiveJournal, or Wordpress.com. Anonymous comments will be rejected.
Click here for Related Content
Subscribe to Post [Atom]
Subscribe to Post Comments [Atom]
Comments? Suggestions? Violent reactions? Click here to contact me. Otherwise, post your comment here.