<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d7294114\x26blogName\x3dCaptain\x27s+Log\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_HOSTED\x26navbarType\x3dBLACK\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttp://jepoy.bengero.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://jepoy.bengero.com/\x26vt\x3d-5041441038811922973', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Captain's Log
Captain's Log
Subscribe to my feed, Captain's Log Enter your email address:

Oh Dear Alma Matter...
Saturday, September 17, 2005

ADVERTISEMENTS


Captain's Log Stardate -318711.06



Gaano katagal tatagal ang loyalty mo sa iyong Alma Matter kung ito'y binabatikos na at alam mo namang totoo lahat ng ito? Magbubulagbulagan ka lang ba at hahayaang dumaan na lang ito tulad ng isang bagyo?

Bago ako magtapos sa high school, gusto ko na talagang pumasok sa AMA Computer College kasi gustong gusto kong maging computer engineer at "in na in" ang AMACC noon lalo na mga commercials ni Jolina and yung "im a software designer... ako engineer... sa on the job training pa lang may edge nako... ek ek" (OH HA? memorize ko pa!) at syempre, andun ang bestfriend ko. Nakapasa naman ako sa UP at UST noon. Pero biglang may inambush sa UP kaya naging dalawa na lang ang choices ko. Ayaw ng lolo ko na pumasok ako sa AMACC noon kasi nga nakapasa nako sa UST. Sige sinunod ko sya.

Makalipas ang isang taon, lumipat ako ng AMACC para maging isang Computer student. Tuwang tuwa ako nun at sinabi ko sa sarili ko na matutupad na ang aking pangarap na makapagtrabaho sa mga IT companies. Makakagawa nako ng video games, makakapagsetup ako ng network, makakagawa ako ng sarili kong microchip, at iba pa.

Lumipas ang ilang araw, linggo, buwan. Unti unti kong natatanong sa sarili ko, "computer school nga ba ito? eh mas high-tech pa ang mga computers sa UST kesa dito ah?" Saang computer school ka ba namang makakakita na puro virus ang mga computers at mas mabagal pa sa isang 386 na computer. Tapos napansin ko na din ang mga teachers ko, "parang wala silang alam sa latest trends... parang mas may alam pa ako sa PC sa kanila... bat hindi nila alam to... bat ang tatamad nila?..."

Nang nagmajor na ako, dito na din pumasok ang mga major na problema ko. Tuwing maglalaboratory kami sa Electronics, iisa lamang ang lamesang may gamit, at paisa-isa ang mga students sa pagpeperform ng experiments. Minsan hindi pa kami makagawa ng experiment sa dahilang bumigay na ang ilang aparato. Kaya ang ginagawa, ipapasa na lang namin ang experiment ng walang laman at ayun, instant grade na.

Major na din ako ng nakita ko ang kawalang kakayahan ng halos lahat, take note: halos lahat, ng professor ko sa engineering ay matalino nga, hindi naman marunong magturo. Mayroon pa akong natatandaan na instructor ko sa Computer System Organization na inamin sa amin na kelan lang nya nalaman kung ano ang itsura ng isang Hard Disk!! Graduate pa man din sya ng AMA! Paano ka ba naman matututo nyan kung sariling prof mo ay kasabay mo lang din nagaaral? Hmm... Kaya nga sa mga naging kabatch ko, ni hindi alam mag format ng PC, hindi alam mga parts, at kung ano ano pa. Ang alam, magcompute ng mga theoretical formulas na wala namang kahihinatnan.

Habang nagaaral pako, may nakita akong website noon ng AMA Pampanga na halos puro hinanaing at problema ang laman. Nung unang nakita ko yun, pinakita ko agad yun sa aming org adviser at syempre, hindi ko gusto yung site na yun. Hindi maganda na basta na lang siraan ang paaralan. Pero habang tumatagal, parang naiisip ko na din na medyo tama ang ginagawa nila. Hindi naman sila naninira, mukhang totoo nga ang mga pinagsasasabi nila dahil ako na din mismo, nararamdaman ko na yun!

Ilang panahon din ang lumipas at may nakita na naman akong isang site against AMA. Isang blog na may mga nakapost na articles na ginawa ng mga former employees at mga students ng mga schools na kabilang sa AMA Education System. Kung ako ang tatanungin at base na din sa experience ko, halos totoo ang mga nakasulat dito. Masakit man tanggapin, pero totoo.

Dumaan pa ang panahon, naging presidente ako ng isa sa pinakamalaking organization ng AMACU. Pinasok namin nila Karlo ang Level Up! Games noong bandang magtatapos ang 1st trimester ng 2003 para sa isang fund raising concert. Ayos na lahat at bigla nalang kaming hinarang. Sinabi ng School Director namin na hindi na dapat ituloy ang event since magtatapos na ang trimester. Bawal daw kasi yun. Kung bawal sana hindi na nya pinirmahan yung proposal letter namin diba? Ang masaklap nun, nakapirma din kami ng contract sa Level Up! at nakareserve na ang mga sound system na gagamitin!

Nagbanta na si Ate Joy at Ate Jean ng Level Up! na magdemanda laban sa amin. Buti na lang at naipagtanggol kami nila Sir Chris at Mam Shao. Pagnagkataon, kulong kami nila Karlo at Red. Kahit anong paliwanag sa School Director na yun, wala talaga. Pusong bato! Dibaleng makulong kami. Sa panahong yun, doon na nagsimulang magtalo sa akin kung dapat ko nga bang mahalin ang systemang alam ko namang hindi ako mahal at alam kong puro katiwaliaan.

Lumipas ulit ang panahon, natanggap si Lalaine sa Admissions Office bilang Admissions Assistant. Last trimester ko na din yun at ggraduate na ako. Feb 1 sya officially nagstart at ilang buwan ang nakalipas ay ni singko, hindi sya pinapasahod ng AMA. Kesyo kulang ang requirements o kaya'y hindi umabot sa cut-off. Ang masama pa nito, halos lagi kaming 8PM o mas malala, 9PM kung umuwi! Samantalang 8am-5pm lang dapat ang pasok. Matatanggap ko pang 6PM kami aalis eh.. pero 730? 830? 930? Aba, kagaguhan na yan!

Tapos isang araw, nagpasya na kaming tumuloy ng National Labor Relations Commission para magfile ng complaint. Syempre absent sya ng isang araw, kinabukasan, kinausap sya ng School Director (same SD na muntik ng maging dahilan ng pagkakakulong namin..), nakaleave kasi yung immediate superior, at pinagsabihan sa kanya na napakaimportante ng pwesto nya sa admissions at kailangan nya ang 110% ng kakayahan nya ek ek... Oh well... [ Read More 1 ] :: [ Read More 2 ] :: [ Read More 3 ]

Papaano pa kaya yung commercials nila sa TV na IT is Instant Trabaho samantalang sarili nilang graduate, hindi nila mabigyan ng trabaho na maayos at hindi nila maalagaan. Maganda ang concept ng AMA as a school. Hindi lang sana sila nabulag sa pera. Naging fast food education ang nangyari eh. Puro franchise na below acceptable levels of quality ang nagsulputang school.

No offense kila Karlo at Andrew, pero sa current trend ngayon ng mga instructors ng AMACU, malamang at malamang, bababa lalo ang quality na graduates na maipproduce ng school na ito. Dito ka lang makakakita na dating isang estudyante na pumasang awa ay isang instructor na dahil nagpakita lang onting cleavage habang nagdedemo. Kung alam lang sana ni Mr. Aguiliz ang lahat ng nangyayari... Hay.

Dati proud ako to be an AMAer, ngayon nagdadalawang isip nako.

Related Blog Entries:
BANNED
AMACU HRD = 0wn3d
NLRC and the Pacifier
Bastos? Look who's talking...
IT = Instant Termination
Anger Management
Banned 2


Related Links:
AMA-SYSTEM BLOG


*Computer end log*


Posted by Jepoy @ 9/17/2005 12:57:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
2 comments | | View blog reactions

Love my blog? Then subscribe by entering your email address below. You will receive blog updates directly to your inbox.
 Enter your email address:

LINKS OR TRACKBACKS:

Create a Link





Search the Web or My Blog for Oh Dear Alma Matter...
 
Custom Search

THERE ARE 2 COMMENT(S) ON THIS POST:

Posted by Blogger LadyWhiteSpirit on Monday, September 19, 2005 at 12:02:00 AM GMT+8:  
hi just blog hopping :)Di ba ang AMA pinasok na rin ata ang Caregiver program?parang meron ata silang school na ang tema caregiver ?di ko sure pero parang may narinig ako noong nandyan kami sa pilipinas na ang AMA may caregiver school sila "daw" ?totoo ba yun?

sana quality education ang ilunsad nila para di nasasayang ang pera .

Posted by Anonymous E.J. on Tuesday, September 20, 2005 at 7:25:00 PM GMT+8:  
Palaki nang palaki ang aking pagsisisi sa pagiging mag-aaral ng AMA.

I could have gone to Ateneo or La Salle, but I chose AMA for convenience. Probably one of the biggest mistakes of my life.

Post a Comment

Comments on Captain's Log are moderated. Comments will not be visible until it has been approved.

Please choose the NAME/URL field when posting a comment if you do not have an account with OpenID, Google, Gmail, LiveJournal, or Wordpress.com.
Anonymous comments will be rejected.



Click here for Related Content
Subscribe to Post [Atom]
Subscribe to Post Comments [Atom]
Comments? Suggestions? Violent reactions? Click here to contact me. Otherwise, post your comment here.

Ferengi Rules of Acquisition #1 Once you have their money, never give it back. Click the DONATE button to donate any amount :~)
   
My Amazon.com Wish List Ferengi Rules of Acquisition #164 Never spend your own money when you can spend someone else's. So why not buy the things from my wishlist? :~)


Sign up for PayPal and start accepting credit card payments instantly.

Tim Cumper Watch
SCAM HOAX ALERT: The Tim Cumper Scam
GameOPS' Official Statement on the Accusations of Pierre Tito Galla

Search

 

Join the Captain's Log Community



Twitter
    Categories
    - Anime
    - Anything Goes
    - Blogging
    - Contests
    - Current Events
    - Events
    - Freewares
    - Gadgets
    - Hardware
    - Internet
    - LOL
    - Movies
    - Mobile
    - Personal
    - Photography
    - Polls
    - Showbiz
    - Site Updates
    - Tips and Tricks
    - Tutorials
    - Video Games
    - Videos
    Starfleet Blogs
    - Lalaine
    - Mocha
    - Kuya Pau
    - Euri
    - Noelle
    - Siopao Master
    - Rochelle
    - Rocky
    - Pepper
    - Glen
    - Mark
    - Ka Edong
    - J-Spot
    - Karen
    - Barrio Siete
    - Mike
    - Bong
    - Nostalgia-M
    Sponsored Links



    MyBlogLog




    Hailing Frequencies


    You can reach me via my email above or via this Contact Form.

    You can also reach me on SMS via my public mobile +639165777270 or send GAMEOPS <space> JEPOY <space> YOUR MESSAGE to 2299.
    Use this widget to privately upload files to me using drop.io: simple private sharing




     
    Recent Entries
    - i.ph layout... engage!
    - Captain's i-blog, stardate...
    - Jerry Liao's Power Tips
    - Happy Birthday Mommy!!
    - Encantadia = Star Wars?
    - Welcome to Silent Hill...
    - iPod Nano
    - Mobile Pilipinas 2005
    - MLM on Mobile = Scam?
    - Use GMAIL as your mail server
    Popular Entries
    - hospitalscams.blogspot.com = Severe Case of Psychosis
    - ├╝mobile Invite Codes Giveaway!
    - PLDT Landline Plus Hands-on
    - Pinoy Big Brother Scandal
    - Super Twins Director Denies Rip-off
    - Ellen Adarna Graces UNO Magazine
    - Maria Ozawa's Trip to the Philippines
    - Sigaw ng Bayan's 9 Million
    - Thank You Friendster :)
    Personal Blogging
    Archives
    - June 2004
    - July 2004
    - August 2004
    - September 2004
    - October 2004
    - November 2004
    - December 2004
    - January 2005
    - February 2005
    - March 2005
    - April 2005
    - May 2005
    - June 2005
    - July 2005
    - August 2005
    - September 2005
    - October 2005
    - November 2005
    - December 2005
    - January 2006
    - February 2006
    - March 2006
    - April 2006
    - May 2006
    - June 2006
    - July 2006
    - August 2006
    - September 2006
    - October 2006
    - November 2006
    - December 2006
    - January 2007
    - February 2007
    - March 2007
    - April 2007
    - May 2007
    - June 2007
    - July 2007
    - August 2007
    - September 2007
    - October 2007
    - December 2007
    - January 2008
    - February 2008
    - March 2008
    - April 2008
    - May 2008
    - June 2008
    - July 2008
    - August 2008
    - September 2008
    - October 2008
    - November 2008
    - December 2008
    - January 2009
    - February 2009
    - March 2009
    - April 2009
    - May 2009
    - June 2009
    - July 2009
    - August 2009
    - September 2009
    - October 2009
    - November 2009
    - December 2009
    - January 2010
    - February 2010
    - March 2010
    - April 2010
    - May 2010
    - June 2010
    - July 2010
    - September 2010
    - November 2010
    - December 2010
    - August 2011
    - November 2011
    Transporter / Site Menu
    - About Me
    - About Captain's Log
    - Favorite Links
    - Advertise
    - Subscribe
    - Licensing
    - Contact Me
    - Privacy Policy
    - Disclosure Policy
    - Photoblog
    - Personal Blog

    - Tierra Maria Estates Scam
    - Hospital Scams Hoax
    - Tim Cumper
    - Timothy Ellis Cumper
    - Ellumbra
    Entrecard
    Miscellaneous

    Design Inspired by:

    myDestiny Cable Internet
    Blue Fish Network



    Technology & Computers - Top Blogs Philippines

    Technology Blogs - Blog Top Sites

    Clicky Web Analytics


    My Amazon.com Wish List
     
     
     
       
     
     
    Captain's Log
    Creative Commons License
    Captain's Log by Jepoy is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-Share Alike 3.0 Philippine License.
    Captain's Log LCARS v4 Blogger Theme created by John Phillips Bengero. ©2004-2009.
    Star Trek and related logos are trademarks of CBS Studios/Paramount Pictures. ©1966-2009.
    Captain's Log
    ss_blog_claim=38e11f6a24f3a9ecf2a68b53f2e86feb ss_blog_claim=38e11f6a24f3a9ecf2a68b53f2e86feb