<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\0757294114\46blogName\75Captain\47s+Log\46publishMode\75PUBLISH_MODE_HOSTED\46navbarType\75BLACK\46layoutType\75CLASSIC\46searchRoot\75http://jepoy.bengero.com/search\46blogLocale\75en_US\46v\0752\46homepageUrl\75http://jepoy.bengero.com/\46vt\75-5041441038811922973', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Captain's Log
Captain's Log
Subscribe to my feed, Captain's Log Enter your email address:

Pwede? PWEDE!!
Saturday, May 28, 2005

Captain's Log Supplemental Stardate -318405.2



Bagay na bagay sila diba?? Diba diba? DIBA?!

*Computer end log*


CLICK HERE TO CONTINUE READING

Posted by Jepoy @ 5/28/2005 09:36:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
2 comments | | View blog reactions

More Satellite espionage...

Captain's Log Stardate -318404.92

May nahanap na naman akong program na pwede mong i-view ang halos buong mundo via satellite -- Keyhole.

Company sya na pag-aari ng Google at pagitan ng year 1999 and 2003 kuha yung mga satellite photos ng program. Downside lang ng program ay may bayad sya. Huhuhuhuhu.

Over populated na ng Metro Manila. Dapat siguro eh simulan na ni President GMA na magpatupad ng 1 child policy. Hmm...

Free Image Hosting at www.ImageShack.us Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Sana ma-update na nila yung database nila para magkaroon na ng high resolution image ang Metro Manila. Cavite, Angeles, at Bulacan pa lang ang may high resolution images sa keyhole. Pag hi-res na, pwede na nating makita bubong ng bahay natin.

Kung gusto nyong subukan ang Keyhole, download nyo na lang sya dito

Lumabas na pala ng ospital si Auntie Malu kanina. Mga 6 weeks syang naka neck brace.

*Computer end log*


CLICK HERE TO CONTINUE READING

Posted by Jepoy @ 5/28/2005 07:07:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
0 comments | | View blog reactions

NASA's World Wind
Thursday, May 26, 2005

Captain's Log Stardate -318399.86

Nagdownload ako kanina ng NASA World Wind habang naglalaba ako (ulit). Pwede mong makita ang buong terrain ng planet Earth gamit tong program na ito. 187MB yung installer.

Sinubukan kong i-view yung lugar na pinuntahan namin sa Bicol. Kita yung lugar nung simbahan sa may Mt. Mayon and yung Tabaco province.


Click to Enlarge

Uso na ba ang maghang mga gamit ngayon? Simula ng ininstall ko tong NASA World Wind, 10 times ng naghang tong PC ko. Hindi lang basta hang, nagblue screen pa. Tapos ngayon yung Sony Ericsson t68i ko naman... Haay.

Kung gusto nyong subukan yung program ay i-download nyo na lang sa:

http://worldwind.arc.nasa.gov

Sa mga wala pang Studio.NET, kailangan nyo din magdownload ng .NET Runtime

May rematch kami mamaya ni Daddy sa NBA Live... Dito sya matutulog ngayon kasi umuwi si Tito David sa Sampaloc.

*Computer end log*


CLICK HERE TO CONTINUE READING

Posted by Jepoy @ 5/26/2005 10:49:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
1 comments | | View blog reactions

The Old Times...
Wednesday, May 25, 2005

Captain's Log Stardate -318397.01

Nakuha ko lang sa Email:

When time goes by ( a reminiscing ) .....

Ito ang mga huling taon ng dekada '80 at ang mga unang taon ng dekada '90. Ito ang panahong uso pa ang makiuso. Kung ginagaya mo ang style ng mga artista, hindi ka tatawaging jologs. Ito ang panahong tapos na ang martial law, pero malayo pa ang new millennium. Hindi pa high-tech pero di naman old fashioned. Saktong-sakto lang!

Ito ang panahon natin. Pero pano mo malalaman kung kabilang ka sa henerasyong ito? Narito ang listahan na makapagpapatunay if you're one of us.R U?

1. Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man,Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng hapon tuwing Sabado dahil panahon na para sa superhero marathon.

2. Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (isang kending lasang champoy)

3. Nanood ka ng Takeshi's Castle at naniwala kang si Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey Manaloto ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo - pano sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang water gun gayong sa Japan ginagawa yun eh taga Pilipinas sila?)

4. Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na uulit-ulitin mong bigkasin ang "Kool 106, Kool 106" hanggang maubusan ka ng hininga.

5. Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo, Monkey-Monkey-Annabelle, prikidam 123, Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik, Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-ano pang larong nakakapagod.

6. Pumunta ang mga taga- MILO sa skul niyo at namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice cream. (at nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)

7. May malaking away ang mga METAL (mga punks na naka itim) at mga HIPHOP (mga taong naka maluwang na puruntong na kahit Makita na ang dalawang bundok.)Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang kasabihang "PUNKS NOT DEAD!" pero kung gusto mong mag play safe, pwede mong tawagin ang sarili mong HIPTAL.

8. Alam mo ang universal uwian song na "Uwian na!" na kinakanta sa tono na parang doon sa kinakasal.

9. Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP.

10. Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game. (hi-tech na yun noon)

11. Ang "text" noon ay mga 1"x1.5" na karton na may mga drawing ng pelikulang pinoy. (at may dialog pa!)

12. Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler, si Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si Andre d' Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa muscle.

13. Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong dance steps na nakapagpamukha sa'yong tanga sa saliw na kantang Ice Ice Baby, Wiggle It, Pray at Can't Touch This.

14. Hindi ka gaanong mahilig sa That's Entertainment at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan nagpapagandahan ng production numbers ang Monday hanggang Friday group. (at badtrip ka sa Wednesday group dahil pinakabaduy lagi ang performance nila!)

15. Napaligaya ka ng maraming pinoy bands tulad ng Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical Depression, The Teeth, The Youth, After Image, Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang sikat na sikat na Eraserheads. (at aminin mong nakinig ka ng Siakol!)

16. Kilala mo ang Smokey Mountain, (first and second generation)

17. Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong. Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin itong "Mighty Kid"

18. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa'yo ang mga larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng pustahan), saranggola at ang dakilang manika niyo ay si GI-JOE with alipores.

19. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with you're girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan, doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari . ang dakilang manika mo ay si Barbie. (Sikat ka kung meron kang bahay, kotse at kabaong ni Barbie.)

20. Naniwala kang original ang isang cap kapag may walong tahi sa visor nito.

21. Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows tuwing umaga tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Landers a.k.a. Nelo. (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida sa cartoons na ito, si Nelo lang ang di yumaman at namatay pa ng maaga)

22. Alam mo ang ibig sabihin ng "TIME FIRST!"

Bakit kaya ganon? Kahit sang lupalop ka ng Pilipinas naroon, eh nakaka-relate ka sa mga pinagsasasabi ko. Siguro'y dahil wala pang cable at kakaunti lang ang pagpipiliang channels kaya parepareho tayo ng pinapanood. Maaaring wala pang playstation kaya kung anu-ano na lang ang naiimbentong laro na pwedeng gawin sa kalsada o sa isang bakanteng lote. Pero kung ano man ang dahilan sa pagkaparepareho natin ng karanasan, masaya na rin akong naging bata ako sa panahong ito. Masarap alalahanin at balik-balikan. Di ba?"


*Computer end log*


CLICK HERE TO CONTINUE READING

Posted by Jepoy @ 5/25/2005 09:51:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
0 comments | | View blog reactions

Indianerong Kalbo Reloaded
Monday, May 23, 2005

Captain's Log Stardate -318391.7

Maaga kaming nagkita ni Lalaine sa may kanto namin kasi wala syang kasama papuntang NLRC sa may Banawe. Pagdating namin dun eh abogado ang humarap sa amin. Abogado ng the school of today... umurong yata bay*g ni kalbo....

Sinabi na lahat ni Lalaine dun sa NLRC mediator yung 1st complain nya about sa non-payment of salary then yung bagong complain nya about sa IT (illegal termination). Sabi ni kalbo dun sa abogado na bayad na lahat ng sweldo ni Lalaine kahit wala pa yung from April 1 to 16. Pinapapirma na sya ng clearance ng abogado para makuha yung sahod pero sumabat yung mediator at sinabing mababalewala yung other complains pag pumirma sya.

Nagsuggest na yung mediator na magfile na kami ng complain sa baba and legal actions na ang kailangan... Hindi pa kami nagfile ni Lalaine para maplano ng maige. Humanap lang ng sakit ng ulo si Jurassic... Kaya, Pilipinas, Jurassic, GAME K N B?!


Ultraman VS. Kalbo and BB-Jurassic (Nagmerge si Jurassic at BB)

Pagkagaling naming NLRC ay pumunta kami ng SM North EDSA para maglunch. Pagkatapos nun eh hinatid ko na si Lalaine sa kanila at nakitulog ako :D

Paguwi ko eh tumawag sa akin si Karlo at nagtatanong kung may internet ako kasi sya wala. HAHAHAHA! Unti unti mo nang nararanasan ang iyong "Destiny". HAHAHAHA

*Computer end log*


CLICK HERE TO CONTINUE READING

Posted by Jepoy @ 5/23/2005 11:21:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
1 comments | | View blog reactions

Buena...Bonita Burgers
Sunday, May 22, 2005

Captain's Log Stardate -318387.94



BUENAAAAA.. bonita ..... HAHAHAHA!!! Wala lang.

Thanks to Siopao sa picture

*Computer end log*


CLICK HERE TO CONTINUE READING

Posted by Jepoy @ 5/22/2005 02:26:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
1 comments | | View blog reactions

Happy Birthday Lalaine!!!
Friday, May 20, 2005

Captain's Log Stardate -318383.51

Maaga akong nagising kanina kasi kinuha ni Tito Joel yung laptop nya kasi gagamitin nya sa opisina. Nagsaing at naligo na ako tapos naglaro ng XBOX... hindi ko pa din binabalik sa Daddy ko yun... wahahahha!!

Mga 3PM umalis nako dito sa bahay para pumunta kila Lalaine. Dumating na si Tito Ervin kaninang umaga. Bagong Canon A510 digital cam yung pasalubong nya kay Lalaine at iPod Mini naman para kay Diane. Nilalagnat si Lalaine nung dumating ako. Kumain ako ng handa ni Lalaine at pansit yung kinain ko. Maya maya eh nangangapal na yung labi ko at nangangati na. May hipon palang kasama yung pansit. Bawal sa akin hipon :(

Dumating sila Rio at BF nyang si Marlon mga 6PM na. Si Penny ay gabi na dumating kaya hindi na sya nahintay nila Rio. Sumabay na kami ni Penny kay Toto hanggang Holy Cross. NagFX sya at ako naman ay nagbus na pauwi. Nakasabay ko na naman sa Bus yung parang ermitanyo ng Novaliches. Hehehe. As usual, bumaba sya sa SM or Sauyo Market :D

*Computer end log*


CLICK HERE TO CONTINUE READING

Posted by Jepoy @ 5/20/2005 11:37:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
0 comments | | View blog reactions

Star Wars Episode 3
Thursday, May 19, 2005

Captain's Log Stardate -318380.75

Ngayong araw kami manonood ng Star Wars nila Karlo, Andrew, at Kenneth. Sa AMACU kami magkikita kita pero bago ako pumunta doon eh nagopen muna kami ng bank account ni Daddy ko sa RCBC dito sa Roosevelt. Soooooobraaaaaang bagal kumilos ng mga tao dun at inabot kami ng halos dalawang oras na nakatunganga lang.

Past 2PM nako nakadating sa AMA at dumiretso na agad ako sa library. *grins* Ngayon lang ako napadpad ulit sa AMA pagkatapos ng halos 1 month. Na kay Andrew yung graduation pictures naming lahat. Kumuha na kami ni Karlo ng remembrance dun sa ibang picture... Kuha kami ng isang picture ni Anna.... HI ANNA :D Bago kami umalis eh dumaan muna kami sa Admissions. -_-



Nagtaxi na kami papuntang Greenhills sa sobrang init. Mokong yung taxi driver na nasakyan namin. Inikot kami sa malayong lugar. Malapit na kami tapos biglang inikot sa Crame. Inaway ko hanggang bumaba kami. Hahahaha! Bumili kami ng ticket at puro sa baba na lang yung vacant.



Pagkatapos naming manood ay kumain kaming apat sa KFC. Sabi ni Karlo na hindi para kaming F4... kaya P4 kami. Pinoy 4. HAHAHAHA!



Pagkakain namin eh kinunan ko si Karlo habang nagtatago sa picture ni Anna. Lagot ka kay Anna!! Hahahhaha!

Nagikot-ikot muna kami dun at naghanap ng XBOX na mga games. Wala pa ding WWE 21 :( Ang tagal bago kami nakakuha ng taxi. May katabi kaagaw pa kaming dalawang babae na sobrang ikli ng suot. Ilang beses kami nagpalipat lipat ng pwesto hanggang sa nakahanap na din si Karlo ng taxi.

Ngayon ay ginagawa ko na tong laptop ni Tito Joel kasi dadaanan nila to bukas ng umaga. Bukas birthday na ni Lalaine.

*Computer end log*


CLICK HERE TO CONTINUE READING

Posted by Jepoy @ 5/19/2005 11:23:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
8 comments | | View blog reactions

Nintendo's Gaming Revolution
Wednesday, May 18, 2005

Captain's Log Stardate -318377.11

Everyone is talking about the new XBOX 360... the Cell Processor powered PlayStation 3... All technologically superior to Nintendo's next console. But who needs all the processor speeds if all you have are crappy games? Nintendo's philosophy remains intact. GAMES.







They recently unvailed their latest console, which is also the smallest and slickest of the 3. 2-3 times more powerful than the current generation Nintendo GameCube, the new console, called the Revolution, is also backward compatible. Not only with the GameCube, but also to all Nintendo's 20 year video game history. Or about 2 billion videogames made for the NES, SUPER NES, Nintendo 64. Now that's Revolution.

Revolution will feature wireless controllers, SD card slots, Wi-fi connection, and will play DVD movies. Nintendo's online service will be FREE. No charges unlike Microsoft's XBOX Live. Players will be able to download game updates, classic games, etc.



Nintendo also introduced a new design for the GameBoy Advance. The GameBoy Micro is smaller than an iPod mini and will feature the best screen ever for the GameBoy. Nintendo also introduced an online service for the Nintendo DS.

Revolution Day is set on 2006. Nintendo Rocks!

*Computer end log*


CLICK HERE TO CONTINUE READING

Posted by Jepoy @ 5/18/2005 03:31:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
0 comments | | View blog reactions

wOw Bicol
Tuesday, May 17, 2005

Captain's Log Stardate -318374.18

Day 1 = May 13, 2005

Gumising at bumangon ako ng 10am at nagulat ako sa tinext sa akin ni Lalaine:

G'morning po. Uwi kmi s bicol mamya. Sama k n po. Loveyou.


Medyo nasa state of shock pa ako habang kumakain ako ng almusal ng tumawag si Lalaine. Sabi nga nya na uuwi sila at kung sasama ako eh magbubus kaming dalawa kasi hindi na kami kakasya sa kotse. Gusto kong sumama na ewan ko kung ano ang sasabihin ko kasi hindi pa ako nakakapagpaalam kay Daddy ko. Si Lalaine na pinagtext ko kay Daddy para ipaalam ako (baligtad na mundo...) at pumayag naman. Pagkatapos ko maligo eh tumawag si Daddy sa cellphone at sabing huwag na lang akong sumama... too late. Papunta na si Lalaine dito sa bahay. Wala ng nagawa si Daddy kaya nagayos na ako ng gamit. Mga past 3PM eh lumabas na kami at sinabay kami nila Tita Rita papuntang MRT North Ave. Station.



Bumaba kami ng Cubao at naghanap ng mabibilan ng ticket papuntang Tabaco, Albay. Puro likod na lang yung vacant ng mga bus na aalis ng 5PM. Ang tagal naming nagikot ikot sa may Araneta Bus Terminal sa likod ng AliMall. Nakakita kami ng maluwag na bus na aalis ng 9PM kaya kinuha na namin. Seat 19-20 kami at Raymond Transportation yung bus. 10-12 hours ang biyahe mula Cubao papuntang Tabaco, Albay.

Pagkabili namin ng ticket eh kumain na muna kami sa... (guess where?) KFC! Pagkatapos naming kumain eh namili na kami ng babaunin naming tubig at pagkain. Nagikot-ikot muna kami sa Gateway tapos ng mga 830 eh pumunta na kami ng terminal at saktong papasok na yung bus na sasakyan namin. Mga 915PM na umalis yung bus at mga past 10PM eh natulog na kami. Pero hindi kami makatulog. Hahahaha! Ang alog kasi.

Day 2 = May 14, 2005

Bandang 2AM ay nagstop-over kami sa may Quezon tapos eh tuloy na naman ang biyahe. Lalong hindi kami nakatulog ng dumaan na kami sa may zigzag. Para kaming sardinas na inaalog sa loob ng lata.

5AM eh nagising ako sa radyo at sinabing nasa Naga na daw kami. Akala ko malapit na kaya nagtanong ako kay Lalaine. 1hr+ pa pala. Mga past 8AM na kami nakadating sa Tabaco at pumasok muna kami ng Jollibee para hintayin sila Tito Peng. Matagal na pala silang nandun at hindi lang namin napansin. Pagkasakay namin ng kotse eh nakita ko na yung Mayon Volcano. Malapit lang pala yun sa bahay nila Lalaine.



Pagkadating namin sa bahay eh nagmano muna kami tapos pasok agad sa kwarto. Nakatulog kami pareho agad sa sobrang pagod. Bandang tanghali eh ginising na kami para kumain. Sa kapitbahay kami nakikain ng lunch. Pagkatapos namin kumain eh nagpahinga lang sandali. Pupunta dapat kami ng Mayon kasi sabi ni Tita Bel na naka Red Alert daw kaya bawal umakyat. Pumunta na lang kami sa Dhio Resort para tignan yung lugar. Tubig sa batis yung gamit nila sa pool kaya malamig. Running water din kaya wala ng chlorine yung tubig





Ang haba ng binabaan namin. Nung pag-akyat namin pabalik, wala pa sa gitna yung nilalakad namin ay nanginginig na mga tuhod namin. Sobrang taas kasi. 130 steps daw sabi ni Tita Marlen.

Pagkatapos namin dun ay pumunta na kami ng Tabaco City para magpagiling ng baboy at kumain ng halo-halo. Hindi ako mahilig sa halo-halo pero dahil sa init eh naubos ko yung isang baso. Dapat magnight swimming na lang kami sa Dhio pero ayaw nila Tita Marlen. Madami kasing NPA dun sa dadaanan namin papuntang Dhio. Mahirap ng matyempuhan.

Nung gabi eh pumunta kami sa peryahan. Maglalakad kami dapat pero hinatid na kami ni Tito Edgar sa tricycle. Nagback-ride kami ni Jay-Jay. AS IN SA LIKOD TALAGA. Hindi sa likod ng driver ha, sa likod mismo ng tricycle. Nagkasya kaming lahat sa tricycle-- sila Lalaine, Diana, Ajing, Jowey, Jay-Jay, Ako, Jian, at yung dalawang bata. Sandali lang kami sa perya.

Day 3 = May 15, 2005

Tanghali na kami bumangon at naghanda na kami ni Lalaine ng gamit na dadalin sa Dhio. Ngayon kasi kami magsswiming. Nauna na kami nila Lalaine at mga bata kasi hindi kami kasyang lahat sa sasakyan. Sobrang lamig ng tubig. Sabi ko nga kay Lalaine eh kailangan ko ng jacket kasi giniginaw ako habang nakababad sa tubig. Pag ahon ko ng tubig ay sumakit ng sobra yung ulo ko. Nabigla siguro ako kasi sobrang lamig ng tubig tapos ang init ng paligid. Eto yung panoramic view ng Dhio:

Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Eto yung ibang pictures pa ng Dhio:




Umuwi kami mga 5PM na at nauna kami ulit umuwi. Pagdating namin ng bahay eh natulog kami ulit ni Lalaine. Sobrang pagod. Nung gabi eh naglaba si Lalaine at pagkatapos nagkayayaan ulit sa perya.

Day 4 = May 16, 2005

Gumising kami ni Lalaine ng maaga para sumama kay Tita Bel sa Tabaco. Magpapareserve na kami ng ticket para makabalik na sa Quezon City. Pagdating namin sa terminal eh puno na halos lahat at puro likod na lang yung bakanteng upuan. Kailangn kasi namin makauwi na ngayon dahil may hearing si Lalaine sa NLRC ng May 17 ng 10AM. Nung nawalan na kami ng pag-asa ay uuwi na sana kami ng may lumapit sa amin na isang kalbo... i sense the dark side....



May Extra Bus pa pala kaya nagpareserve na kami. Kasama namin si Tita Salve at yung anak nya na Lalaine din ang pangalan at yung Nanay nya. Bago kami umuwi eh pumunta kami ni Lalaine dun sa simbahan na malapit lang.




Free Image Hosting at www.ImageShack.us Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Pagkauwi namin eh naligo na kami ni Lalaine kasi pupunta kami sa Mayon!! YEHEY!! Pupuntahan namin yung simbahan sa may ginta ng Mayon Volcano.



Kalagitnaan ng biyahe namin eh umusok bigla yung sasakyan. Nagoverheat. Bumaba kaming lahat at buti nalang may bahay dun sa tabi. Nakihingi kami ng tubig tapos tumuloy na kami sa taas. May mga stations of the cross sa daan paakyat ng simbahan.



Madaming ulap kaya hindi masyado natanaw yung tuktok ng Mayon. :~( May batang nagbebenta ng owl dun sa taas. P150 ang isa. Malas ko at P100 lang dala kong pera. Huhuhuhu! Gusto ko ng Owl.

Free Image Hosting at www.ImageShack.us Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Pagkagaling naming Mayon eh umuwi na kami para magpahinga. Nasa Legaspi sila Tito Joel kasi dun pinagawa yung kotse. Kaya nagtricycle kami nila Lalaine at Tita Salve papuntang Tabaco terminal. Lima kami plus bagahe plus driver. 25mins akong nasa loob at para na akong si Lastikman sa pagkakaipit sa loob. Pagdating naming terminal eh bumili na kami ng pasalubong at mga baon na pagkain. 530PM sakto umalis yung bus.

Nung mga 15-30mins na, giniginaw na si Lalaine at masakit na tiyan nya. Mga ilang oras pa eh nangangatog na sa ginaw at medyo mainit na sya. Wala akong mabiling paracetamol sa mga stop over kaya pinilit ko na lang hindi matulog para bantayan sya. Ang dami pang stop-over ng bus na sinakyan namin.

Day 5 = May 17, 2005

Pagdating namin sa may Pasay eh pinababa na kami at sabing flat daw ang gulong. Si Tita Salve ay nakipagaway dun sa kamukha ni Rene Requiestas na conductor. Hindi pumayag na hindi namin makuha yung refund ng ticket. sabi ko na nga ba at hindi mapapagkatiwalaan mga kalbo eh....



Nagtaxi na kami papuntang Cubao. Nandun sila Nanay Pat at Tatay Ben para sunduin kaming dalawa ni Lalaine. Pagdating ko ng bahay ay hindi nako natulog at hinintay ko na lang si Daddy ng 6AM. Pupunta kasi kami sa sementeryo dahil 6th Death Anniv ni Papa.

Pinatulog ko muna si Lalaine at ginising ko ng 8AM. May hearing kasi sya ngayon sa NLRC sa Banawe ng 10AM. Kahit inaapoy na sya ng lagnat eh sinubukan pa din nyang pumunta. Sasama dapat ako sa kanila ni Tatay Ben kaso hindi ko na kaya kasi 1hr pa lang ang tinutulog ko simula kahapon ng 3PM. Mag 11 na eh wala pa din si Indyanerong Kalbo. Last reset na to at nagbilin na lang sa office. Wala "daw" kasi dun. Wala daw. BOO! Wala nga ba Andrew? Hehehe.

Pagkauwi ni Lalaine eh dumaan muna sila dito ni Tatay Ben para magpalit kami ng cellphone. I-dodownload ko lang yung mga pictures namin sa PC.

Next year gusto ko ulit bumalik dun! Ang lamig tsaka ang tahimik. Simple lang pamumuhay. Hindi complicado tulad dito sa Quezon City. Wala pang pollution dun.

*Computer end log*


CLICK HERE TO CONTINUE READING

Posted by Jepoy @ 5/17/2005 01:52:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
6 comments | | View blog reactions

Nxt Level Na! Magpypyramid K P B?!
Thursday, May 12, 2005

Captain's Log Supplemental Stardate -318361.36



Level 1

Noon pa lang, allergic nako sa mga Pyramid Business or sa tinatawag nila ngayong, Multi-Level Marketing. Una eh magbabayad ka pa ng membership para makapasok at mabigyan ng voucher para magamit sa discount sa mga binebenta ng MLM Company na pinasukan mo. After mong magbayad ng libo-libo eh dito na magsisimula ang adventure mo. May mga choices ka para kumita: ang magbenta ng sobrang mahal nilang products sa mga kaibigan mo, kapamilya, kapuso, kalapati, kalabasa at kung sino sino pa OR magrecruit ka ng ibang tao para sumapi din sa kulto este MLM company para makakuha ka ng commission na di hamak na mas malaki sa kikitain mo sa pagbebenta.

Dito mo makikita ang mga kaibigan at kakilala mo na parang ewan na tuwing makikita ka eh maglalabas ng check na nakuha nila from their MLM company at sasabihing nakuha nila yun within 2 weeks from joining kaya dapat sumapi este sumali ka na din sa kanila. Hindi din natin masisisi ang iba. Mahirap ang buhay ngayon. Pakitaan ka ba naman ng tseke sa may hagdan bigla na ang nakasulat eh P7000 at every week ay ganon daw. Diba Karlo?? Diba Andrew?? Diba diba diba diba??! Nakakawalang respeto ika nga ni Karlo.

Madami silang pangako. Na hindi ka nila iiwan sa ere at tutulungan ka nilang makahanap ng marerecruit mo para kumita ka din. Yan ba ang hindi pyramiding? Puro recruit ang habol. Yung iba eh bumubuo pa ng group at sasabihin pa nila sa bibiktimahin nila na "maganda dito, madali kumita....", pagkatapos eh bigla nalang silang lilipat ng ibang company. Kesyo hindi na maganda sa dati etc...



NEXT LEVEL NA!

Ngayon ay high-tech na din ang pyramidding business. Nasa Internet na! Oh ha! Bongga! Ganon pa din ang strategy, pero ngayon eh kailangang magbenta na din para makakuha ng points for commission. Credit cards ang kailangan mo para mapadali ang pagsali mo. Ang hindi alam ng mga ito eh kaya kumikita yang company na yan eh dahil sa mga personal information ng bawat isa. Binebenta ang email address ng kahit sinong sumali sa mga advertising companies na ang gagawin naman sa email address mo eh papadalan ka ng sandamukal na spam emails.



Pinagbigyan ko na yung kaibigan ko na magsignup ako dyan sa isang "e-commerce" na company. Ilang oras pa lang eh ang dami ko ng spam na natanggap sa email ko. 2 years ko na yung email address na yun at wala akong spam na natanggap kahit isa. Ngayon lang pagkatapos kong binigay ko yung address na yun habang nagsign up ako. AND TAKE NOTE: Personalized yung spam na natatanggap ko since andun yung buong pangalan ko sa Subject line and CORRECT ang spelling ng name ko.

Madami ng nagiinvite sa akin sa Friendster at PM pa ako na sumali na sa ganyang klaseng ka ek-ekan. Kaya nga nagpost ako sa bulletin board na pinagiingat ko yung iba pa. Tapos malalaman ko sa iba eh "tinalo" ko pa tong isa sa pagbabanta ko.

Ayos na sana eh. Hahayaan ko nalang sila pero sa pagsasabi sa akin na kesyo tinatalo ko daw sya etc etc.... Ang hirap sa kanila eh akala nila basta ganoon na lang. Since 1996 nagiinternet nako and siguro naman alam ko na pasikot-sikot sa internet kahit papaano. Kung yung personal information mo eh binebenta na nila, papaano pa kaya masesecure yung credit cards mo from them? Kasi nasa isip lang nila PERA, PERA, PERA. Kahit kaibigan tataluhin basta magkapera lang.

Nakakawalang respeto na talaga. Ang taas ng tingin namin nila Karlo at Andrew sa ibang tao dyan dati. Ngayon nagtatago na sa akin sa YM. Haahahahahaha! Loser.

*Computer end log*


CLICK HERE TO CONTINUE READING

Posted by Jepoy @ 5/12/2005 09:33:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
4 comments | | View blog reactions

Speed up the web with Google!

Captain's Log Stardate -318361.27



Isang linggo ko na ding ginagamit yung bagong Beta service ng Google --Google WebAccelerator BETA. Optimized lang sya for broadband connections so useless din sa mga dial up users. Ok naman yung accelerator, bumilis lalo yung pagload ng mga pages na viniview ko. Nagpunta ako kanina sa homepage ng Google WebAccelerator at hindi na pala sila tumatanggap ng new users.



Buti na lang pala nasubukan ko agad. Hehehe.

*Computer end log*


CLICK HERE TO CONTINUE READING

Posted by Jepoy @ 5/12/2005 08:48:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
0 comments | | View blog reactions

Indianerong Kalbo
Wednesday, May 11, 2005

Captain's Log Stardate -318357.81



Akala nyo bagong fantaserye na naman no? Hindi ah. Pero pwede ding gawan. Astig ng title eh. AHHAHAHAHA!!

Galing kami kaninang umaga sa NLRC Office sa may Banawe para sa mediation ng case ni Lalaine. Talo ako sa pustahan. Sabi ko kasi darating yung nireklamo nya eh. 930AM dapat yung meeting pero past 10AM na eh wala pa din. Kaya mga bandang 1015AM eh tinawagan na nung taga NLRC si you know who sa office nya. Sya ang sumagot and tinanong sya ng taga NLRC kung may natanggap syang summon. Mayroon daw at finorward na daw nya sa legal counsel and yun daw ang pupunta. Duh. Wala pa tayo sa court. CHICKEN!



Tinanong na lang sya ng taga NLRC kung anong date gusto nya para malinaw and dapat hindi yung lawyer ang magpakita kungdi sya. Nagsisinungaling na naman tong bokals na to. Denial King talaga. IDOL. TIGAS MO! Dun naman daw sa idadagdag na si *bleep* eh sa mismong mediation na lang daw sabihin sa arbiter.

Yung pinapalamon mo sa autistic mong asawa, galing sa amin at sa alumni ng school. Kaya don't mess with us hanggang wala kaming ginagawang masama. Gago!

*Computer end log*


CLICK HERE TO CONTINUE READING

Posted by Jepoy @ 5/11/2005 02:27:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
2 comments | | View blog reactions

The Eye: Reloaded
Tuesday, May 10, 2005

Captain's Log Stardate -318356.11

Inoperahan ako kahapon sa right eye ko para alisin yung bukol (ulit). Pang-apat na beses ko ng naooperahan sa mata at yung last lang eh nung January. Kaninang umaga eh tinanggal ko na yung takip at sa hindi inaasahan eh dumikit dun sa tela yung talukap ng mata ko kaya nagdugo. Hindi ko alam kung hihimatayin ako o ano (takot kasi ako sa dugo). Pero buti na lang at may dala akong towel kaya pinunasan ko na lang agad ng mainit na tubig tapos pinatakan ko agad ng antibiotic. Mga 8AM pala tumawag daw yung asawa ni Tito Al ko at sinabing namatay na daw si Tito Boy ko and hinihingi nila yung cellphone number ng nanay ko sa Japan. Sila nga madalas tumawag dun tapos sa akin nila tatanungin?? Labo nila. Bahala sila sa buhay nila.

Mga bandang hapon kanina eh pumunta si Lalaine dito para dalin yung laptop ng Papa nya. Ipapareformat daw. After nun eh naglaro kami ng Xbox (xbox sux parin!).

Dapat ay susunduin sya nila Papa nya pero wala palang dalang service kaya ako na ang naghatid sa kanya. (oh ha, kakaopera pa lang sugod agad sa kalye!). NagFX kami papuntang bayan pero hindi na maganda pakiramdam ko. Sobrang sakit ng ulo ko at parang medyo babagsak ako kaya pagdating namin sa Bayan eh sabi kong magtaxi na kami. At saka isa pa, pag bus ang sinakyan ko, malamang bukas nasa ospital na naman ako sa dami ng alikabok na papasok sa mata ko. Bago kami sumakay ng taxi eh bumili muna kami ng Magnolia ice cream at Pepsi Red and Blue.

Pagkadating ko dito sa bahay eh naglaba na ako agad. Mahina yung tubig ngayon dito sa amin tuwing umaga kaya sinamantala ko na habang malakas yung tubig eh maglaba. Habang nakasalang sa washing machine yung mga damit eh kumain muna ako ng dinner. Si Tito David eh manonood muna daw ng Memories of Bali at Stained Glass. Pagkakain ko eh tumawag si Mommy Chie. Sabi ko agad na ako na tatawag kasi may Skype naman ako. (yabang).

Bukas eh sasamahan ko si Lalaine sa NLRC. May hearing siya regarding sa mga complaints nya sa "you know who" and "you know what" ng 9AM.

*Computer end log*


CLICK HERE TO CONTINUE READING

Posted by Jepoy @ 5/10/2005 11:33:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
0 comments | | View blog reactions

The Journey to the Last Saga...
Sunday, May 08, 2005

Captain's Log Stardate -318350.66

Tanghali nakong nagising kanina. As in tanghali na. 1230PM. Halos sabay pa kami ni Karlo bumangon. Si Andrew eh 730AM gising na. Pupunta dapat kami ng maaga ngayon sa Shangri-La para bumili ng premiere night tickets para sa Star Wars Episode 3. Kaya ayun, kumain muna ako ng lunch dito sa bahay.

Mga bandang 230PM eh umalis nako. Sinundo ko muna si Lalaine sa bahay nila. Magkikita kami dapat sa MRT-North Ave Station nila Karlo at Andrew pero sobrang traffic. Pagdating namin dun eh wala silang dalawa. Si Karlo pala eh nagpapagupit sa Bench/ sa may SM North at si Andrew eh nauna na daw sa Shangri-La (accdg to Karlo..)

Sumakay na kami ng MRT ni Lalaine at pagdating namin ng Shangri-La eh tinatawagan na namin si Andrew pero walang sumasagot kaya naisip naming kumain muna. As usual, KFC. Hehehehe. Pagkatapos naming kumain eh tumawag si Karlo at sinabing nasa bahay na pala si Andrew at hindi pumunta ng Shangri-La. Habang naguusap kami sa phone eh nadidinig ko na din yung tatay ni Karlo na pinapagalitan sya. "Bat kailangan pang premiere yung panoorin nyo?! Sayang yung pera. Pwede nyo pang gamitin pangkain yun!..." . Yaann.. sa greenhills na lang nga tayo manood! hehehehe!

Nagikot ikot na lang kami ni Lalaine at pagkatapos ay umuwi na din kami kasi kulang na yung pera namin para ibili pa yung dalawa ng ticket at saka galit na si Tito. HAHAHAHA! Lagot ka Karlo!

Bukas ng umaga eh ooperahan na naman ako sa mata. Kaya kung sakaling nagbalak akong sumama sa graduation ceremonies eh hindi din talaga ako makakasama. Destiny ko na talaga. HAHAHAHAHA! Ok lang, yoko makipagplastikan sa kanila. Tama na yung apat na taon nila akong pineperahan! Sariling alumni hindi nila kayang alagaan.. tsss... *Bleep* RESIGN! *Bleep* RESIGN! *Bleep* RESIGN! *Bleep* RESIGN! *Bleep* RESIGN! ay teka... MALI! I-terminate si *Bleep*!!! I-terminate si *Bleep*!!! I-terminate si *Bleep*!!! I-terminate si *Bleep*!!! I-terminate si *Bleep*!!! I-terminate si *Bleep*!!! I-terminate si *Bleep*!!! I-terminate si *Bleep*!!! I-terminate si *Bleep*!!! I-terminate si *Bleep*!!! I-terminate si *Bleep*!!! I-terminate si *Bleep*!!! I-terminate si *Bleep*!!! I-terminate si *Bleep*!!! I-terminate si *Bleep*!!!

*Computer end log*


CLICK HERE TO CONTINUE READING

Posted by Jepoy @ 5/08/2005 11:50:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
0 comments | | View blog reactions

XBOX SUX!
Saturday, May 07, 2005

Captain's Log Stardate -318347.86

Maaga akong bumangon kanina at nagkita kami ni Daddy ko sa may Wendy's Kalaw. Nag-FX taxi nako papunta at nung pagdating ko dun eh naglakad na kami papuntang Manila Doctor's. Nagpacheckup ako kanina ng mata kasi may bukol na namang tumubo. Naka-sched ako sa monday ng umaga operahan.



Pagkauwi namin dito sa bahay eh kumain na kami at nanood ng Wowowee. Bumalik na yung dalawang kasama ni Willie Revillame dati sa MTB. Sila Randy Santiago at John Estrada. Sakit ng tyan namin kakatawa kanina kasi puro kalokohan silang tatlo.

Pagkatapos nun eh pinagaralan ko na yung XBOX kung papaano magupload. Nagtanong nako sa pinoyxbox kasi ayaw talagang magconnect. May nagsabi na sa firewall ko lang yung problema kaya nung inalis ko eh.. PRESTO! Connected na via FTP yung XBOX sa PC ko!! Una kong ginawa eh pinalitan ko yung theme/skin ng interface. Syempre, ginawa kong Star Trek. After nun eh nagdownload ako ng mga applications para mainstall. Puro emulators ng Nintendo and SEGA consoles.

Habang nagdodownload ako eh niyaya kong maglaro si Daddy ng NBA Live 2004. Dati ako ang champion... pero ngayon... after years of absence... natalo ako!!! Huhuhuhu!! 2 times pa talaga akong tinalo. Madaya kasi eh. Puro three points. Kaya simula ngayon, it's official. XBOX SUX! *sour grapes*

Kakatapos ko lang maligo kanina at sobra talaga ang init ngayon! Malapit na magunaw mundo.

*Computer end log*


CLICK HERE TO CONTINUE READING

Posted by Jepoy @ 5/07/2005 11:19:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
0 comments | | View blog reactions

Spirits
Friday, May 06, 2005

Captain's Log Supplemental Stardate -318345.12



Last episode na ng Spirits kanina at bitin. Mukhang may book 2. Spirits lang ang pinapanood kong telenovela na sobrang ganda ng story and special effects. Hindi yung typical telenovela na may bigla na lang papasok na character sa gitna tapos may mamamatay then mabubuhay ulit. Yung Spirits lang ang nakita ko na sa simula pa lang eh tapos na yung story. Talagang pinaghirapan at hindi tulad ng iba na para may maipalabas lang gabi-gabi. Sana magsimula na yung Book 2.

*Computer end log


CLICK HERE TO CONTINUE READING

Posted by Jepoy @ 5/06/2005 11:20:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
0 comments | | View blog reactions

Doggy Day Care

Captain's Log Stardate -318345.1

Maaga akong nagising kanina kasi may nagaaway sa kalye namin. Akala ko nagpapatayan na. Hehehe. Paglabas ko ng room eh kausap ni Tito David si Auntie Malu at kinakamusta kami. Pagkababa ng phone eh tinignan ko agad yung dinodownload kong Star Trek torrent. Iniwan ko kasing nakabukas yung PC kagabi. Binurn ko na agad nung natapos at himala!! Gumana!!!!!! YAHOO!!! Kaso ang panget nung game. Hay. Ngayon naman WWE 21 download ko kaso 2.4GB. Mga 1 day pa. Pero hindi ko iiwan PC ko nakabukas ngayon. Pahinga naman.

Dinalan ako ng pasalubong na KFC ni Daddy kanina. Tsalap. Habang kumakain kami eh nanonood kami ng Game K N B? at may nanalo ng P1 million. Sana ako nalang yung nandun. Alam ko din yung sagot eh!! Pang-apat na question na yun na alam ko na tinanong sa Game K N B.

Nung hapon eh pinaliguan namin ni Daddy yung mga aso. Ang babango na nila. Pito lahat niliguan namin. Pagkatapos eh nagdilig ako ng halaman at naligo na din. Bukas eh maaga akong gigising kasi pupunta ako ng doctor ko sa mata. Papacheckup ko ulit kasi may bukol na naman. Baka sa monday eh operahan na naman ako. Last January lang eh inoperahan din ako sa mata.

*Computer end log*


CLICK HERE TO CONTINUE READING

Posted by Jepoy @ 5/06/2005 11:05:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
1 comments | | View blog reactions

Meteor Garden Returns
Thursday, May 05, 2005

Captain's Log Stardate -318342.44



Oh baby... baby...my baby... baby... tsing tsong wak kung pek tung kung ek ek..." WAAA!!! Nasa ulo ko na naman yang kantang yan... Ano na naman kaya pumasok sa ulo ng mga taga ABS-CBN at ibinalik itong Meteor Garden. Full Edition daw. Baka magbago ending tapos magkatuluyan yung dalawang F4. AIIEE!!! Mapapanood na next monday, May 9 bago mag TV Patrol. Meteor Garden started all this Asianovela trash on our primetime. DAPAT BAWASAN NA YANG MGA NOVELANG YAN EH! UMAGA, HAPON, GABI PURO TELENOVELA!!! KAYA ANG DAMING BATANG BOBO NGAYON EH. HAAY...

Kahapon nagpunta si Lalaine dito at kinuha nya yung video camera nila. Bago kami umalis pauwi eh naglaro muna kami ng XBOX (Yeba.. hindi ko na talaga ibabalik to!!) Uuwi na kami dapat pero nagyaya ako papuntang SM para maghanap ng mga games for XBOX. Wah! P2000 sa AstroPLUS!! P250 naman sa mga suking tindahan... kaso puro luma. Kumain kami sa KFC (as usual) tapos umuwi na din agad. Inuwi ko yung PC at laptop ni Marylou kasi may sira daw.

Kanina eh sinubukan kong paganahin yung PC ni Marylou. Ayaw magboot. Nung kinabit ko sa PC ko yung HD nya eh Puro MS-Blast na virus. Hay. Tapon na to. Yung laptop naman eh sira yung keyboard.

After kong subukan yung PC and Laptop eh pinagaralan ko na yung XBOX-PC connection. Pero hindi ako makapagbasa ng maayos kasi naman tong internet ko... sobrang bagal!! May maintenance kahapon... bumagal naman ngayon. Anyway, naghanap pa ako ng cross-over cable para ikabit yung PC and XBOX. Buti na lang at naitago ko yung ginamit ko nung nag CISCO 1 ako sa AMACU. 2 yrs ago na yun. Nakasetup na lahat pero ewan ko ba kung bakit ayaw pa din lumabas yung mga drives ng XBOX sa FTP ko. Wah! Merv help!

*Computer end log*


CLICK HERE TO CONTINUE READING

Posted by Jepoy @ 5/05/2005 11:51:00 PM
Post a comment! | Email This Story!
0 comments | | View blog reactions

Tim Cumper Watch
SCAM HOAX ALERT: The Tim Cumper Scam
GameOPS' Official Statement on the Accusations of Pierre Tito Galla

Search

 

Join the Captain's Log Community



Twitter
    My Other Blogs
    Sponsored Links
    Categories
    - Anime
    - Anything Goes
    - Blogging
    - Contests
    - Current Events
    - Events
    - Freewares
    - Gadgets
    - Hardware
    - Internet
    - LOL
    - Movies
    - Mobile
    - Personal
    - Photography
    - Polls
    - Showbiz
    - Site Updates
    - Tips and Tricks
    - Tutorials
    - Video Games
    - Videos
    Starfleet Blogs
    - Lalaine
    - Mocha
    - Kuya Pau
    - Euri
    - Noelle
    - Siopao Master
    - Rochelle
    - Rocky
    - Pepper
    - Glen
    - Mark
    - Ka Edong
    - J-Spot
    - Karen
    - Barrio Siete
    - Mike
    - Bong
    - Nostalgia-M
    Sponsored Links



    MyBlogLog




    Hailing Frequencies


    You can reach me via my email above or via this Contact Form.

    You can also reach me on SMS via my public mobile +639165777270 or send GAMEOPS <space> JEPOY <space> YOUR MESSAGE to 2299.
    Use this widget to privately upload files to me using drop.io: simple private sharing


    My Amazon.com Wish List


     
    Recent Entries
    - Happy 8-finity to BeyondEternal.com!
    - I'm Buck..."et Meal" Folks!
    - Merry Christmas Na!
    - MY CHRISTMAS WISH THIS YEAR: A NOKIA C7
    - Awesome Birthday Gifts I Got
    - Happy 12th Birthday to Me!
    - Nokia's Star Trek Communicator Phone Prototype
    - I Love Maria aka RoboForce
    - Survive #SentiSabado on Twitter
    - I write like Stephen King
    Popular Entries
    - hospitalscams.blogspot.com = Severe Case of Psychosis
    - ΓΌmobile Invite Codes Giveaway!
    - PLDT Landline Plus Hands-on
    - Pinoy Big Brother Scandal
    - Super Twins Director Denies Rip-off
    - Ellen Adarna Graces UNO Magazine
    - Maria Ozawa's Trip to the Philippines
    - Sigaw ng Bayan's 9 Million
    - Thank You Friendster :)
    Personal Blogging
    Archives
    - June 2004
    - July 2004
    - August 2004
    - September 2004
    - October 2004
    - November 2004
    - December 2004
    - January 2005
    - February 2005
    - March 2005
    - April 2005
    - May 2005
    - June 2005
    - July 2005
    - August 2005
    - September 2005
    - October 2005
    - November 2005
    - December 2005
    - January 2006
    - February 2006
    - March 2006
    - April 2006
    - May 2006
    - June 2006
    - July 2006
    - August 2006
    - September 2006
    - October 2006
    - November 2006
    - December 2006
    - January 2007
    - February 2007
    - March 2007
    - April 2007
    - May 2007
    - June 2007
    - July 2007
    - August 2007
    - September 2007
    - October 2007
    - December 2007
    - January 2008
    - February 2008
    - March 2008
    - April 2008
    - May 2008
    - June 2008
    - July 2008
    - August 2008
    - September 2008
    - October 2008
    - November 2008
    - December 2008
    - January 2009
    - February 2009
    - March 2009
    - April 2009
    - May 2009
    - June 2009
    - July 2009
    - August 2009
    - September 2009
    - October 2009
    - November 2009
    - December 2009
    - January 2010
    - February 2010
    - March 2010
    - April 2010
    - May 2010
    - June 2010
    - July 2010
    - September 2010
    - November 2010
    - December 2010
    - August 2011
    - November 2011
    Recent Comments
    Blogger Karlo / Read
    Blogger ralph6 / Read
    Blogger Karlo / Read
    Blogger Karlo / Read
    Blogger Karlo / Read
    Blogger Karlo / Read
    Blogger stubbornbananna / Read
    Blogger Jepoy / Read
    Blogger Karlo / Read
    Blogger Karlo / Read
    Blogger Jepoy / Read
    Blogger Siopao Master / Read
    Blogger Jepoy / Read
    Blogger stubbornbananna / Read
    Blogger Karlo / Read
    Blogger Siopao Master / Read
    Blogger Jepoy / Read
    Anonymous annkat / Read
    Blogger Jepoy / Read
    Blogger Karlo / Read
    Blogger Siopao Master / Read
    Anonymous annkat / Read
    Blogger n0th1n6 / Read
    Blogger Karlo / Read
    Blogger Siopao Master / Read
    Anonymous Anonymous / Read
    Transporter / Site Menu
    - About Me
    - About Captain's Log
    - Favorite Links
    - Advertise
    - Subscribe
    - Licensing
    - Contact Me
    - Privacy Policy
    - Disclosure Policy
    - Photoblog
    - Personal Blog

    - Tierra Maria Estates Scam
    - Hospital Scams Hoax
    - Tim Cumper
    - Timothy Ellis Cumper
    - Ellumbra
    Entrecard
    Miscellaneous

    Design Inspired by:

    myDestiny Cable Internet
    Blue Fish Network



    Technology & Computers - Top Blogs Philippines

    Technology Blogs - Blog Top Sites

    Clicky Web Analytics


     
     
     
       
     
     
    Captain's Log
    Creative Commons License
    Captain's Log by Jepoy is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-Share Alike 3.0 Philippine License.
    Captain's Log LCARS v4 Blogger Theme created by John Phillips Bengero. ©2004-2009.
    Star Trek and related logos are trademarks of CBS Studios/Paramount Pictures. ©1966-2009.
    Captain's Log
    ss_blog_claim=38e11f6a24f3a9ecf2a68b53f2e86feb ss_blog_claim=38e11f6a24f3a9ecf2a68b53f2e86feb